ANG retail price ng bigas ay naiimpluwensiyahan ng local na farmgate price ng palay at ng export price ng pinakamalaking exporter sa Pilipinas, ang Thailand. Ang mga ito ay natagpuang significant sa pamamagitan ng regression analysis gamit ang data mula 2000 hanggang 2023. Ang regression analysis ay isang pag-aaral na gamit ng mga eksperto sa estadistika para ma-identify ang mga salik na significant ang impluwensiya sa mga economic variables.
Ang farmgate price ng palay ay ang presyo ng bentahan sa tarangkahan ng mga sakahan. Ito ay naiimpluwensiyahan ng bolyum ng produksyon at pagtaas ng populasyon. Pag bumaba ang produksyon ng palay kumpara sa paglago ng populasyon, inaasahang tataas ang presyo ng bigas. Nang tumaas ang produksyon ng palay sa 3.3 porsiyento noong 2021, bumagsak ang farmgate price ng palay. Nang bumagsak ang produksyon ng palay sa -1.0 porsiyento noong 2022, tumaas ang farmgate price sa 4.1 porsiyento. Noong 2023, tumaas ang produksyon ng palay sa 2.5 porsiyento, mas mataas kaysa population growth na 1.6 porsiyento ngunit tumaas pa rin ang farmgate price sa 17 porsiyento. (Table 1) Bakit?
Naiimpluwensiyahan din ang retail price ng presyo ng bentahan sa pandaigdigang merkado. Ang export price ng Thailand ay malaki ang epekto sa retail price ng bigas sa lokal na bilihan. Tumaas ng export price ng Thailand ng 39.8 porsiyento noong ikatlong quarter kumpara noong ikatlong quarter noong nakaraang taon. Nagtaasan ang mga presyo ng bigas pagkatapos lumabas ang mga balita noon huling araw ng Agosto na nagpatupad ang India ng export ban sa white milled non-basmati na bigas dahil sa pagbaba ng produksyon nito na dahil din sa iregular at hindi pantay na tag-ulan sa India, ang pinakamalaking exporter ng bigas sa buong mundo. Tinatayang 40 porsiyento ang bahagi ng India sa pandaigdig na kalakalan ng bigas. Dahil dito, napabalitang lumipat ang mga malalaking importers ng rice sa Thailand at Vietnam na siyang nagbebenta ng 80 porsiyento ng import requirements ng Pilipinas. Nang kumalat ang balitang ito sa lokal na pamilihan, tumaas na rin ang farmgate price ng palay sa 22 porsiyento, ang pangalawang pinakamataas simula 2000.
Ang pinakamataas na presyo ng bigas ay naitala noong 2008 nang nagpatupad ulit ng export bans ang India at Vietnam at nagkaroon ng panic buying ang mga major rice importing countries kasama ang Pilipinas. Ang Thailand export price ng bigas ay tumaas sa $700.2 kada metric ton, higit na doble sa presyong $332.4 kada metric ton noong 2007.
Naulit lang ang pangyayaring ito noong 2023. Ang pinakamataas na export price level ng Thailand ngayong taon ay umabot sa $635 kada metric ton noong Agosto ngunit bumaba na ito sa $560 kada metric ton pagpasok ng Nobyembre, ang buwan ng tag-ani sa Pilipinas.
Lumabas din sa pag-aaral na walang epekto ang stock inventory ng bigas sa farmgate price na siyang nakakapagtaka. Ang presyo ay dapat maimpluwensiyahan ng lebel ng stockpile gaya ng sa produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado. Kailangan sigurong pag-aralan ng Department of Agriculture (DA) kung paano nila nae-estimate ang indicator na ito. Kailangan ang malinis na estadistika para maging mabuting manager ng rice stockpile ang DA at National Food Authority.
Ang wholesale price ng bigas ngayon a naga-average sa 1.23-1.49 sa Thailand export price, malapit sa taripang 35% na ipinapataw sa imported na bigas. Ito ay hindi na umaabot sa 2.1 at 2.2 na siyang average noong 2014 at 2015. Lumalaki na rin ang share ng farmgate price sa total retail price ng bigas. Umaabot ba ito sa 48 porsiyento sa 2023, mula sa 39.7 porsiyento noong 2019. Kailangang tulungan ang mga magsasaka hindi lang sa pagpataas ng ani, kundi sa paghanap ng mga palengke na kung saan makakabenta siya ng magandang presyo sa kanyang produkto.
Para mabawasan ang extremely variable na presyo ng bigas, kailangan ng rice productivity program na magpapalago ng produksyon.
Ang mga ito ay kailangan sa programang ito:
- Paggamit ng makabagong milling technology, drier at mechanical harvester na kung saan mabawasan ang wastage at maitaas ang recovery mula 60% sa 65%. Tataas ang produksyon ng 8.3 porsiyento.
- Paggamit ng mas magandang butil ng hybrid rice. May SL8H rice variety na ibinebenta ng SL Agritech Corp., ang pinakamalaking prodyuser ng butil ng palay sa Asya). Ito ay nagpapataas sa yield per hectare mula 3.9MT kada ektarya sa 10-12 MT kada ektarya nang subukan nila sa mga sakahan sa Iloilo. Tataas ang productivity sa 156 porsiyento hanggang 208 porsiyento.
- Pataasin ang coverage ng irrigation sa mga sakahan ng palay.
- Pagbibigay ng kaukulang training sa paggamit ng teknolohiya.
- Pagluluwag sa access sa inputs sa pamamagitan ng pagtatayo ng kooperatiba na nakaugnay sa mga nagbibigay ng pondo para sa inputs.
Table 1. RICE PRODUCTION & PRICES | |||||||||||||||||
2021 | 2022 | 2023 | Average | ||||||||||||||
Q1 | Q2 | Q3 | Q1-Q3 | ||||||||||||||
Rice production, % growth | 3.3% | -1.0% | 4.47% | 2.32% | 0.21% | 2.50% | |||||||||||
Stock inventory, % growth | -10.4% | -6.3% | -13.7% | -13.0% | 6.8% | -6.6% | |||||||||||
Farmgate price ng palay, % increase | 0.0% | 4.1% | 7.0% | 21.9% | 22.0% | 17.0% | |||||||||||
Wholesale price, % increase | -0.4% | 1.8% | 1.8% | 4.5% | 15.8% | 7.4% | |||||||||||
Retail price, Well-milled rice, % increase | 3.6% | 15.6% | 2.0% | 3.0% | 10.9% | 5.3% | |||||||||||
Population growth, % | 0.7% | 1.6% | 1.6% | 1.6% | 1.6% | 1.6% | |||||||||||
Per capita GDP growth, % | 4.9% | 5.9% | 4.8% | 2.7% | 4.3% | 3.9% | |||||||||||
Source: PSA | |||||||||||||||||
Table 2. RICE PRICES: INTERNATIONAL AT DOMESTIC | |||||||||||||||||
2021 | 2022 | 2023 | 2023 | 2023 | Average | ||||||||||||
Q1 | Q2 | Q3 | Q1-Q3 | ||||||||||||||
Philippines, wholesale price, NCR, PhP/kg | 33.58 | 33.30 | 35.46 | 39.13 | 41.57 | 38.72 | |||||||||||
Thailand, Export price, PhP/kg | 22.57 | 23.79 | 25.51 | 26.76 | 33.89 | 28.72 | |||||||||||
% Growth | -8.4% | 5.4% | 16.4% | 14.0% | 39.8% | 23.4% | |||||||||||
RATIO | 1.49 | 1.40 | 1.39 | 1.46 | 1.23 | 1.36 | |||||||||||
SOURCES: Philippine Statistics Authority and Thai Rice Exporters Association | |||||||||||||||||