SINIMULAN na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang payout distribution sa mga lumahok sa Tara, Basa! Tutoring Program na naglalayong tulungan ang mga batang mas pagbutihin ang kanilang paraan ng pagbabasa.
Nagsilbing daan din ang programa bilang cash-for-work program sa ilang college students matapos mabigyan ng trabaho bilang tutors o teachers sa mga bata.
Nagkaroon din ng pagkakataon ang mga magulang o guardians ng mga lumahok sa Tara, Basa! na kumita sa pamamagitan ng pagdalo sa Nanay-Tatay sessions kung saan tinuruan sila ng wastong paraan ng paggabay sa pag-aaral ng kani-kanilang mga anak.
Katuwang ng DSWD ang Muntinlupa Social Services Department (SSD) at City Security Office (CSO) sa distribution. Itinakda naman sa Disyembre ang ikalawang batch ng payout.