25.8 C
Manila
Martes, Disyembre 3, 2024

Recognition ceremony sa nagtapos sa housekeeping program ginanap

- Advertisement -
- Advertisement -

MATAGUMPAY na idinaos nitong Biyernes ang recognition ceremony ng mga mag-aaral na nagsipagtapos ng Housekeeping NC2.

Ang seremonya ay ginanap sa livelihood office ng Barangay San Antonio at dinaluhan ni City Tourism Office at acting Public Information Office OIC na si Melquiades Alipo-on bilang kinatawan ni Mayor Eric Olivarez.

Ang programang ito ay naisakatuparan sa pamamagitan ng pamunuan ng Barangay San Antonio sa pamumuno ni Barangay Captain Pol Casale at ng Barangay San Antonio Livelihood Skill Training Center na pinangangasiwaan ni Kagawad Mark Aragon.

Katuwang din sa proyektong ito ang lokal na pamahalaang lungsod ng Parañaque sa pamamagitan ng Parañaque Livelihood Resource Management Office sa ilalim ni Marlette Yamsuan.

Kasama ring dumalo upang saksihan ang programang sina District 2 Councilors Tin Esplana at Beng Amurao; Shiella Benzon; Barangay San Antonio Captain Pol Casale; Barangay San Antonio Kagawad Mark Aragon at Bong Dalanon

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -