PORMAL nang binuksan ang VAWFree Tree of Hope sa 1st floor east wing lobby ng Tanauan New City Hall Building nitong Lunes, Disyembre 4 sa pangunguna nina Mayor Sonny Perez Collantes, Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” Collantes, TWCC President Atty. Cristine Collantes katuwang ang Gad Tanauan at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod.
Layon ng aktibidad na makakalap ng mensahe ng suporta sa pamamagitan ng mga leaf messages para sa mga kababayang biktima ng karahasan at kasalukuyang namamalagi sa Bahay Kanlungan.
Kabilang din sa nakiisa sa pagpapaabot ng mensahe ng pag-asa ang mga punong barangay ng 48 mga barangay sa Lungsod kabilang na ang mga kinatawan mula sa PNP Tanauan City, BFP Tanauan City at BJMP Tanauan City.
Sa kasalukuyan, bukas ang Tree of Hope sa publiko hanggang ika-12 ng Disyembre para sa mga nais na magpaabot ng kanilang mensahe.
May iba pang aktibidad patungkol sa 18-Day VAWFree Campaign ang isingawa tulad ng 1st Gender and Development Summit at EdukSine Caravan para sa mga mag-aaral.
Samantala, naging matagumpay rin ang isinagawang Christmas Outreach Program ng Solar Tanauan at Prime Infrastructure katuwang ang Pamahalaang Lungsod kung saan higit 400 mga kabataan mula Brgy. Santol at Malaking Pulo ang nabigyan ng grocery packs na bahagi ng corporate social responsibility ng naturang mga kumpanya.
Nagpaabot din ng suporta ang lokal na pamahalaan sa isinagawang Christmas Party ng Tanauan City Federation of TODA kung saan ang bawat miyembro ang nabigyan ng bigas.
Bukod rito, ilang pagpupulong din ang pinasinayaan ng Punong Lungsod kabilang na ang 4th Quarter meeting CDRRMO Council, Tanauan City College BOT Meeting, at Local School Board kung saan pinag-usapan ang SEF Budget para sa taong 2024.
Pinasinayaan din ng Pamahalaang Lungsod ang isinagawang Division Schools Press Conference, National Children’s Month Culminating Activity, Pugay Tanaw 4Ps Graduation Ceremony, Orientation on Gender-responsive Farmers, World AIDS Day Forum, Grand reopening ng McDonald’s Waltermart at pamamahagi ng AICS para 1,666 na mga Batangueรฑo mula sa pondo ni Congresswoman Collantes.
Samantala, inanunsyo rin ng alkalde na kasado na sa ika-22 ng Disyembre ang Christmas Party ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan kung saan handog dito ang iba’t ibang regalo para sa mga kawani nito.