28.8 C
Manila
Biyernes, Marso 28, 2025

Bagong speed limit sa Davao City sa 2024

- Advertisement -
- Advertisement -

IPATUTUPAD ng City Transport and Traffic Management Office (CTTMO) ng Pamahalaang Lungsod ng Davao ang panibagong speed limit ordinance sa susunod na taon.
Ayon sa hepe ng CTTMO na si Dionisio Abude, isang buwang pagpapakalat ng impormasyon ang kanilang isasagawa mula Disyembre 11 hanggang Enero 10, 2024 para ipatid ang tungkol sa City Ordinance 0270-23 o ang Speed Limit Ordinance.

Ayon sa Davao City Transport and Traffic Management Office, naghahanda na sila para sa implementasyon ng bagong speed limit ordinance na ipatutupad sa Enero 11. Larawan mula sa PNA/Robinso Niñal Jr.)

“Sisimulan namin ang pag-install ng mga signage sa 32 natukoy na lokasyon, at magbibigay rin kami ng mga flyer na naglalaman ng impormasyon sa bagong limitasyon ng bilis ng pagpapatakbo,” sabi ni Abude sa isang pahayag.

Sinabi pa ni Abude na magkakaroon ng pavement markings sa mga kalsada ng lungsod upang ipahiwatig ang mga pagbabago sa mga itinalagang limitasyon ng bilis ng pagpapatakbo bago tuluyang ipatupad ang bagong ordinansa.

Sa ilalim ng bagong patakaran, ang kahabaan ng Bunawan-Lasang, Lacson-Buda, at Carabao Monument sa Toril-Binugao sa Sta Cruz ay magkakaroon ng 80 kph (kilometro kada oras) na speed limit para sa magagaan na sasakyan at 50 kph para sa mga trak.

Ipapataw ang speed limit na 60 kph sa mga itinalagang pangunahing kalsada tulad ng mula sa Ulas Crossing hanggang Carabao Monument Waypark, Crossing Panacan-Bunawan Crossing, at sa loob ng Davao City Coastal Road. Sa lahat ng feeder/minor roads na sumasanga sa mga pangunahing kalsada ang speed limit ay 30 kph.

Ang mga itinuturing na tourist streets ay magkakaroon ng 40 kph limit at 30 kph para sa mga trak.

Para sa lahat ng public subdivision roads, barangay roads, at school zones, ipatutupad ang 20 kph speed limit.

Sinabi naman ni Maj. Dexter Domingo, pinuno ng Traffic Enforcement Unit, na four-speed cameras ang gagamitin sa pagpapatupad ng nasabing ordinansa.

 

Caption

Sinabi ni Davao City Transport and Traffic Management Office na naghahanda na sila para sa implementasyon ng bagong speed limit ordinance na ipatutupad sa Enero 11. Larawan mula sa PNA/Robinso Niñal Jr.)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -