PINURI in Senate President Juan Miguel Zubiri ang FIBA Basketball World Cup 2023 na ginanap sa Pilipinas noong 2023 sa kanyang post sa Facebook page na Senator Migz Zubiri.
Aniya, “Malaking tagumpay po ang FIBA Basketball World Cup 2023, na ginanap dito mismo sa Pilipinas last year.
“Kaya naman kinilala ng Senado kanina ang mga grupong nag-organize ng FIBA World Cup 2023, sa pangunguna ng FIBA Local Organizing Committee at ng Samahang Basketbol ng Pilipinas, kung saan board chairman si Sen. Sonny Angara.
“Saludo tayo sa dedikasyon ng buong team sa likod ng FIBA World Cup 2023, at umaasa tayo na umpisa pa lang ito ng marami pang global events na dadalhin natin dito sa Pilipinas, para maipakita natin ang galing ng Pilipino.”