INAPRUBAHAN ng Department of Budget and Management (DBM) ang paglabas ng isang Special Allotment Release Order (SARO) na nagkakahalaga ng ₱1.134 bilyon para sa pangangailangan sa pondo ng Department of Education (DepEd) para sa Conservation and Restoration ng Gabaldon School Buildings at iba pang Heritage School Buildings.
Ang Gabaldon School Buildings, o kilala rin bilang Gabaldons, ay mga heritage school buildings sa Pilipinas na itinayo noong panahon ng kolonyalismo ng Estados Unidos. Nagmumula ang inspirasyon ng kanilang arkitektura sa tradisyunal na bahay kubo (nipa hut) at bahay na bato (stone house). Sa kasalukuyan, mayroong 2,045 Gabaldon Schoolhouses sa buong Pilipinas.
“Let us restore and preserve the dignified spaces of our Gabaldon School Buildings and other heritage structures. Whether nestled in bustling cities or remote provinces, these historic edifices hold the promise of progress. Together, we forge a path toward a renewed Philippines, leaving no one behind as espoused by President Bongbong Marcos’ vision of a Bagong Pilipinas,” sinabi ni DBM Secretary Mina Pangandaman.
Inaprubahan ni Secretary Pangandaman ang pag-release ng SARO para sa nasabing layunin noong 01 Marso 2024. Sakop ng alokasyon ng pondo ang mga sumusunod na rehiyon: Cordillera Administrative Region, CARAGA, National Capital Region (NCR), Rehiyon I, II, III, IV-A, IV-B, V, VI, VII, VIII, IX, X, XI, at XII.
Itinakda sa Special Provision no. 21 ng FY 2024 GAA at alinsunod sa RA 11194 at ang implementing rules and regulations (IRR) nito, ang mga heritage school buildings, kasama na ang mga Gabaldon school buildings, ay dapat mapanatili at maibalik bilang bahagi ng mga pagsisikap sa pagpapahalaga sa kultural ng bansa .
Kasama sa proseso ng pagpapanumbalik ang mga pagpapabuti sa site tulad ng pag-level at pag-grado sa lugar ng paaralan, na may mataas na pagsasaalang-alang sa kaligtasan at integridad ng gusali, at pag-alis ng mga sagabal at hindi ligtas na mga istraktura sa paligid ng gusali ng Gabaldon.
Bukod dito, dapat ding tiyakin ng DepEd at Department of Public Works and Highways (DPWH) na ang mga nabanggit na paaralan ay ganap na maibalik at hindi lamang na-renovate o na-rehabilitate.
Ayon sa representasyon ng DepEd, isinasagawa ang isang joint inspection ng mga gusali kasama ang National Commission for Culture and Arts, National Historical Commission, at National Museum of the Philippines.
Ang inilabas na halaga ay nakatakda na magbigay benepisyo sa 654 silid-aralan sa 83 sites sa buong bansa.