29.5 C
Manila
Lunes, Setyembre 16, 2024

Ano ang imprastruktura at ang naidudulot nito sa paglago ng kalakalan

TINGIN SA EKONOMIYA

- Advertisement -
- Advertisement -

ANG imprastruktura ay kalipunan ng mga pasilisad at sistema sa isang bansa na nagpapagaan sa pagdaloy ng kalakalan sa buong ekonomiya. Pinagbubuklod at ikinakawing nito ang mga tahanan, negosyo at iba pang institusyon para lumikha at dalhin ang mga produkto at serbisyo sa mga sakahan, minahan, pagawaan at merkado. Kasama rito ang kalsada, tulay, riles ng tren, suplay ng tubig, sewage disposal, electrical grids, at telekomunikasyon.

Ang imprastruktura ay nabibilang either sa hard o soft na inprastruktura. Ang hard na inprastruktura ay mga kalsada, riles ng tren, pantalan, at paliparan. Sa soft infrastructure naman napapabilang ang mga institusyon sa pamamahala, pananalapi, edukasyon, pangangalaga sa kalusugan, pagpapatupad ng batas, atbp.

Noong bago pa lang maitatag ang mga bansa sa timog at silangang Asya, ang Pilipinas ay isa sa mga nangunguna sa lebel ng infrastructure development. Ngunit pitong dekada pagkatapos, naungusan ang Pilipinas sa departamentong ito. Mula 1972 hanggang 2015, ang Pilipinas ang may pinakamababang infrastructure investment sa pitong bansa sa Asya na ang mga ekonomiya ay may pinakamabilis na paglago. Ang Pilipinas ay may infrastructure investment na 2.8 porsiyento ng GDP, malayo sa average na 4.1 porsiyento sa Asya at 5.3 porsiyento sa Asean 5.  Dahilan nito, ang Pilipinas ang siyang pinakamababang GDP growth,  4.2 porsiyento lamang kumpara sa Indonesia at Thailand na may 5.7 percent growth, Vietnam na may 5.8 percen growth, Malaysia na may 6.4 porsiyento, Singapore na may 6.6 porsiyento at Hong Kong na may 6.8 percent growth. Ito ang dahilan kung bakit pangatlo tayo sa per capita GDP noong 1972 sa timog at silangang Asya, pero noong 2015, tayo ay pang-pito na lamang. (Table 1)

Kaya’t noong 2016, pinataasan ng pamahalaan ang alokasyon ng National Government (NG) sa imprastruktura sa 5 porsiyento ng GDP at pinalawak ang public-private partnerships (PPP) para maisama ang kakayahan ng pribadong sektor sa pagpupundar, pagtatayo at pamamahala ng imprastruktura. Umakyat ang gastusin ng public-private partnerships (PPP) mula P43.6 bilyon noong 2016 sa P680.7 bilyon noong 2023. Sa kabuuan, lumaki ang alokasyon ng imprastruktura mula P479.6 bilyon n porsiyento oong 2016 sa P1,956.8 bilyon noong 2023. Mula 2.8 porsiyento ng GDP, lumobo ito sa 6.2 ng GDP noong 2016-2023. Malaking bahagi sa P9.5 trilyon na nainvest sa 236 major national projects ay napunta sa railways, expressways at bridges, atairports. (Table 2)

Malaki ang nai-ambag ng pagtaas ng gastusin sa inprastruktura sa pagtaas ng real GDP growth ng bansa mula 4.2 sa 6.7 porsiyento noong 2016-2019. Ang dahilan nito ay ang mataas na economic internal rate of return (EIRR) ng imprastruktura. Umaabot ito sa 47.6 porsiyento base sa regression analysis ng  Department of Finance (DoF) na gamit ang quarterly data mula 1980 hanggang 2022. Bago kasi mag-apruba ang pamahalaan ng mga proyektong kasama sa public investment program, ginagawan ito ng masinsing pag-aaral. Kinokompyut ang inaasahang EIRR. Dapat ang lahat ng major national projects o proyektong nagkakahalaga ng P2.5 bilyon (P300 milyon mula 2005 hanggang pinalitan sa P2.5 bilyon noong 2017) at higit pa ay papasa sa 10 porsiyento (dating 15 porsiyento) na EIRR na itinakda ng Investment Coordination Committee (ICC) na kung saan ang pangulo ng bansa ang siyang pinuno.


Ang kalidad ng imprastruktura ay isa sa mga factors na gabay ng mga investors sa pagpili ng bansang paglalagyan ng kanilang investment. Tinitingnan ng mga investors kung madadala nila sa merkado at kanilang mga produkto at serbisyo sa tamang panahon. Ayaw nila na maantala, masira at mapanis ang produkto habang in transit. Dapat ding makapasok nang matiwasay sa mga paktorya at tindahan ang mga empleyado at namamahala ng kanilang mga korporasyon. Maaapektuhan ang productivity kapag mahirap ang pag-komyut. Maganda rin kung may komunikasyon sila sa kanilang mga  kliyente nila sa iba’t ibang merkado sa mga probinsiya at sa buong mundo, kung sila ay exporter o importer. Dapat may ilaw at tubig sa kanilang mga paktorya at hindi dapat basta nawawala ito pag may dumating na bagyo o iba pang delubyo. Dapat may access sila sa impormasyon at kaalaman, at mapag-aralan nila ito nang maigi para sa mga desisyong pangkalakalan.

Sa mga pag-aaral ng Asian Development Bank (ADB), nagkukumpul-kumpol ang private investment sa paligid ng mga bagong inprastruktura. Noong itinayo ang Star Tollway sa Batangas, tumaas ang koleksyon ng buwis nang halos doble pagkatapos lamang ng tatlong taon sa mga lungsod at bayan sa Batangas na tinawid nito. Nakarating din ang epekto ng paglobo sa buwis ng ilang bayan sa kapit-probinsiyang Quezon. Ang buwis ang isang magandang indicator ng economic growth kasi kinokolekta ito base sa kita at benta ng mga kalakal at industriya.

Sa isa pang pag-aaral ng DoF, tumataas ang pribadong investment ng 3.7 times sa halaga ng orihinal na gastusin sa inprastruktura sa 5 quarters pagkatapos magasta ito. Makikita ito sa paligid ng Subic-Clark Tarlac Expressway (SCTEX) at Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX) na kung saan, nagtatayuan muna ng gasolinahan at sinusundan ng mga kainan, tindahan, hotel at paktorya. Umuusbong ang turismo at kalakalan dahil sa mas Madali nang puntahan at marating ang mga dating malalayo at matatrapik na lugar.

Table 1. INFRASTRUCTURE EXPENDITURES
Infrastructure-

GDP ratio

GDP growth
1972-2015 1972-2015
Philippines 2.8% 4.2%
Indonesia 6.2% 5.7%
Malaysia 5.9% 6.4%
Singapore 4.3% 6.6%
Thailand 4.5% 5.7%
Vietnam* 7.8% 5.8%
Hongkong 3.3% 6.8%
Average 4.1% 4.0%
ASEAN 5 5.3% 5.7%
Source: World Bank

- Advertisement -

*/1985 to 2015

 

TABLE 2. PHILIPPINES: INFRASTRUCTURE EXPENDITURES
2016 2017 2018 2019 2020 2021 2022 2023
TOTAL EXPENDITURES   479.60   551.05   858.43   995.21   1,119.61   1,305.28   1,485.53   1,956.81
 % of GDP 3.2% 3.3% 4.7% 5.1% 6.2% 6.7% 6.7% 8.1%
National Government (NG) 436 501.16     803.6     881.7         869.5         895.1     1,020.0     1,276.1
Public-Private Partnerships (PPP)     43.60     49.88        54.8     113.5         250.1         410.2         465.5         680.7
Sources: Department of Budget and Management (DBM)and Department of Finance (DOF)

 

 

Table 3. INFRASTRUCTURE/MAJOR NATIONAL PROJECTS*, 2016-2023
   Number of projects Project Cost
P Billion
TOTAL            236        9,464.68
% of GDP 6.18%
     RAILWAYS               25        2,504.18
     EXPRESSWAYS/BRIDGES               85        2,380.67
     AIRPORTS               16        1,745.90
     OTHERS            110        5,338.11
Source: Department of Finance

*/Includes projects costing P1B or more

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -