INABISUHAN ni Senador Manuel Lito Lapid ang Manila Economic and Cultural Office(MECO) sa Taiwan na agad alamin ang kundisyon ng mga Pinoy doon matapos tumama ang 7.5 magnitude na lindol nitong April 3, 2024, Miyerkules.
Ayon kay Lapid, kailangan na masiguro ng mga opisyal ng MECO ang kaligtasan at kapakanan ng ating mga kababayan, lalo na ng mga OFW na nagtatrabaho sa Taiwan.
“Nakaatang sa MECO ang pagtulong sa ating migrant workers para sa kanilang kapakanan, kaligtasan at promosyon ng economic and cultural relations sa Taiwan,” diin ni Lapid
Ang Pilipinas ay ikatlo sa pinakamalaking source ng foreign workers sa Taiwan, na pinangunahan ng Indonesia and Vietnam.
Base sa data ng OWWA, as of October 2023, umabot na sa 151, 562 OFWs ang nagtatrabaho sa Taiwan.