27.4 C
Manila
Lunes, Setyembre 9, 2024

Reaksyon ni Sen Tulfo sa tugon ni Sec Yulo tungkol sa YKR ranch

- Advertisement -
- Advertisement -
KAHAPON, April 4, 2024, inilabas sa Raffy Tulfo in Action Facebook page ang naging reaksyon ni Sen. Idol Raffy Tulfo sa nailathalang artikulo sa Philippine Star. Nakasaad sa article na ang mga Yulo ang nagmamay-ari ng 40,000 hectares na lupain sa Busuanga at Coron sa Palawan — ang Yulo King Ranch (YKR) na isang protected area.
Agad namang nagpalabas ng kanyang pahayag ngayong araw si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga kung saan itinatanggi niya ang ulat na pagmamay-ari ng kanyang pamilya ang YKR, bagkus kanyang sinabi na ang nasabing rancho ay government-owned at controlled.
Pero base sa nakalap na impormasyon ng tanggapan ni Sen. Tulfo, paulit-ulit na kumatawan bilang representante ng YKR si Yulo-Loyzaga sa ilang mga kaso kung saan ipinaglalaban niya ang interes ng mga Yulo at ng YKR sa mga nasabing lupain sa Busuanga.
Kabilang sa mga kaso ay ang CV Case No. 0024 sa Sandiganbayan at GR Nos. 268140 at 191838 sa Supreme Court.
Binigyang-diin ni Sen. Idol na hindi maitatanggi ni Yulo-Loyzaga ang katotohanan na may interes siya sa YKR dahil kitang-kita ang partisipasyon niya sa pangangalaga at pagdepensa sa YKR. Kahit sabihin niya na pagmamay-ari umano ang lupain ng gobyerno, taliwas ito sa ginagawa niyang pagtanggol ng karapatan ng YKR upang makontrola ang nasabing rancho.
Kaya naghain si Sen. Idol ng Senate Resolution No. 985 kahapon para malaman ang dahilan ni Sec. Yulo sa paulit-ulit na pagdepensa sa interes ng YKR, gayundin para makita ang epekto nito sa kapasidad nya bilang DENR Secretary at pangunahing tagapagtanggol sana ng kalikasan.
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -