29.9 C
Manila
Huwebes, Oktubre 10, 2024

RCEF seed distribution, isinagawa ng DA sa Naujan

- Advertisement -
- Advertisement -

ISINAGAWA kamakailan ng Department of Agriculture (DA) ang Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) seed distribution kick-off ceremony kung saan pinangunahan ng ahensya ang pamamahagi ng mga certified inbred seeds para sa lokal na pamahalaan ng Naujan at sa pamahalaang panlalawigan na ginanap sa Bahay Tuklasan Plenary Hall, Barangay Santiago, Naujan.

Tinanggap ng lokal na pamahalaan ng Naujan ang 18,653 bags ng certified inbred seeds sa ilalim ng RCEF, habang 46,190 bags naman ang ipinagkaloob sa pamahalaang panlalawigan na ipinamahagi ni RCEF coordinator Jacqueline Lee Canilao ng DA-PhilRice Los Baños kasama si Cong. Arnan Panaligan, kinatawan ng unang distrito ng lalawigan sa kongreso, kina Municipal Agriculturist Raquelita Umali at kumatawan kay Provincial Agriculturist Christine Pine na si Jefty Bay-ongan.

Nanguna sa nasabing aktibidad ang DA Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech), Philippine Rice Research Institute (PhilRice), Agricultural Training Institute (ATI), DA Regional Field Office (RFO), katuwang ang Development Bank of the Philippine (DBP), LandBank of the Philippines at Technical Education and Skills Development Authority (Tesda). (DPN/PIA Mimaropa – Oriental Mindoro)

Larawan mula sa Naujan PIO

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -