27.6 C
Manila
Biyernes, Enero 17, 2025

Senate President Migz Zubiri mainit na tinanggap si Austrian Ambassador Johann Brieger sa Senado

- Advertisement -
- Advertisement -

MASAYANG ibinalita si Senate President Juan Miguel Zubiri sa kanyang Facebook page na dumalaw si Austrian Ambassador Johann Brieger sa Senado nitong Miyerkules, Mayo 8, 2024.

Kuwento niya, “Malugod nating tinanggap sa Senado si Austrian Ambassador Johann Brieger para sa isang magandang usapan tungkol sa pagkakaibigan ng Pilipinas at ng Austria.

“Makakaasa tayo sa mas malakas pang ugnayan ng ating mga bansa, lalo na ngayong planong ibalik ng Austria ang kanilang mga kumpanya dito sa Pilipinas. May nakalinya rin silang partnership sa Tesda para sa skills-generation programs, na magiging malaking tulong sa job-readiness ng ating mga kababayan, dito man o sa ibang bansa.

Kaugnay nito, patuloy nating inilalaban na magkaroon ng Free Trade Agreement ang Pilipinas at ang European Union, para makapagpasok tayo ng mas maraming foreign investments at mapalago natin ang ating ekonomiya.

Tuloy-tuloy lang po ang ating pakikipagtulungan sa embahada ng Austria.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -