SA kauna-unahang National Higher Education Day Summit, ipinagtibay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang layuning magbigay ng kalidad na libreng tertiary education sa pamamagitan ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act at budget na P134 bilyon sa mga state university at college ngayong taon.
Ang Summit ay nagsilbing plataporma para sa pagsasama-sama ng mga institusyon at kawani upang mapabuti ang estado ng higher education sa Pilipinas.
Ayon sa Pangulo, “The country’s higher education must be reconfigured to make it attuned to the needs of the post-pandemic world and ensure the Philippines’ global competitiveness.”
Dagdag pa ng Pangulo,” Sa Bagong Pilipinas, ang kaligtasan at de-kalidad na edukasyon ang ating prayoridad. Pinatitibay natin ang mga paaralan at itinataas ang antas ng pagtuturo upang matiyak ang mas magandang kinabukasan para sa bawat Pilipino.”
Samantala, pinamunuan din ni Pangulong Marcos Jr. ang 16th National Economic and Development Authority Board Meeting kung saan inaprubahan ang P30.56 bilyong proyektong Infrastructure for Safer and Resilient Schools (ISRS) na magbabalik at magsasaayos ng mga pasilidad ng paaralan sa labas ng Metro Manila na tinamaan ng kalamidad.
Ang ISRS Project na isasagawa mula 2025 hanggang 2029 ay inaasahang pakikinabangan ng 1,282 na paaralan, 4,756 school buildings, 3,101 na silid-aralan, at 741,038 na mag-aaral.