NAGPAHAYAG ng suporta si Senate President Francis “Chiz” Escudero sa pagsasabatas ng ilang panukala na naglalayong pag-isahin ang Negros Island sa isang rehiyon at ang reporma sa real property valuation sa buong bansa.
Ayon kay Escudero, ang dalawang batas na ito ay magpapahusay sa local governance gayundin sa koleksiyon ng buwis.
Nasaksihan ni Escudero, kasama ang ibang senador at miyembro ng House of Representatives, ang paglagda ni President Ferdinand R. Marcos Jr. sa landmark measure sa isang seremonya sa Malacañang nitong Huwebes.
“These two pieces of legislation reflect our commitment to improving local governance and fostering economic growth. I commend President Marcos and my colleagues in Congress for their unwavering support and dedication to these transformative measures,” sabi ni Escudero.
Layunin ng Negros Island Region Act (Republic Act 12000) na pagandahin ang kahusayan at pagiging epektibo ng local governance sa Visayas sa pamamagitan ng pagtatag ng Negros Island Region. Pagsasamahin ng bagong administrative region na ito ang mga lalawigan ng Negros Occidental, Negros Oriental, at Siquijor.
“This legislation marks a significant milestone in our efforts to promote administrative decentralization and strengthen local autonomy,” ani Escudero. “The establishment of the NIR will not only improve public service delivery but also foster regional growth and development in the Visayas.”
Ilan sa mga pangunahing probisyon ng panukala ay ang pagbubuo ng regional offices ng Negros Occidental at Negros Oriental, kung sakop nito ang mga sektor ng agriculture, peace and order, governance, human development, infrastructure, and industry. Ang Technical Working Group ang siyang gagawa ng roadmap para sa pag-unlad ng rehiyon.
Samantala, ang Real Property Valuation and Assessment Reform Act (Republic Act 12001) ay siyang magsagagawa ng reporma sa property valuation and assessment sa bansa para mapalakas ang koleksiyon ng buwis at mapabuti ang ang pagbibigay-serbisyo ng mga lokal na pamahalaan.
“This reform is crucial for promoting transparency, enhancing investor confidence, and ensuring uniform valuation standards for real property assets,” wika ni Escudero.
“The creation of a Real Property Information System will maintain an up-to-date electronic database of all real property transactions, significantly boosting the efficiency of local government services,” saad pa ng Senate chief.
Kasama sa batas na ito ang probisyon para sa pag-automate ng local government services at pagbuo ng isang Real Property Valuation Service sa ilalim ng Bureau of Local Government Finance. Ang inisyatibong ito ay inaasahang magpapabilis ng public service delivery at mapabuti ang proseso ng koleksiyon ng buwis.