30.1 C
Manila
Miyerkules, Disyembre 4, 2024

𝐏𝐚𝐠𝐬𝐚𝐬𝐚𝐧𝐚𝐲 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐠𝐫𝐚𝐧𝐭𝐞𝐞 𝐧𝐠 𝐃𝐨𝐤𝐮𝐦𝐞𝐧𝐭𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐖𝐢𝐤𝐚 𝐧𝐠 𝐏𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐚𝐬 𝟐𝟎𝟐𝟒

- Advertisement -
- Advertisement -

GINANAP ang hybrid-flexible (hyflex) na pagsasanay sa mga grantee ng proyektong Dokumentasyon ng mga Wika ng Pilipinas noong Hulyo 3-4, 2024 sa MESLA Hall, Malacañang Palace Complex, San Miguel, Maynila. Layunin ng pagsasanay na mabigyan ng karagdagang kaalaman ang mga grantee hinggil sa pagdodokumento ng wika at kultura, pagsukat sa kasiglahan ng wika (language vitality), pagme-metadata, etika sa pananaliksik, at ortograpiya.

Dinaluhan ito ng mga punóng mananaliksik na sina Pablito Gonzales ng Confederation of Indigenous Peoples Organizations in Southern Negros Occidental (CIPOSNO), Leonisa Impil ng Carlos Hilado Memorial State University (CHMSU) para sa wikang Binukignon/Binukidnon, Radji Macatabon ng University of Southern Mindanao (USM) para sa wikang Manobo Kalamansig, at Leonardo Tejano ng Mariano Marcos State University (MMSU) para sa wikang Isneg, kasama ang kanilang mga katuwang na mananaliksik.

Ang gawaing ito ay bahagi ng proyekto ng KWF sa pangangalaga ng mga katutubong wika ng Pilipinas.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -