26.1 C
Manila
Lunes, Enero 20, 2025

Ang totoo sa giyera Chino-Pilipino

ULTIMONG BIGWAS

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGPULONG sa Beijing, China ang Ikatlong Plenum ng Ika-20 Komite Sentral ng Communist Party of China (CPC) noong ika-15-18 ng Hulyo. Hindi gaanong natampok sa Pilipinas ang pangyayari, bagama’t kung tutuusin, ang plenum ay dapat na pinagtuunan ng pansin ng lahat nang may pagpapahalaga sa kapakanan ng bansa. Hindi ba sa pakiramdam ng karamihang Pilipino, ang bansa ay nahaharap sa digmaan sa China? Pansinin kung papaanong sa halos araw-araw ay laman ng balita kung gaano katinding gipitin ng mga barko ng China Coast Guard (CCG) ang mga resupply mission ng Philippine Coast Guard (PCG) sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal o ang pang-araw-araw na pangingisda ng mga Pilipino sa Scarborough Shoal.

Kapuna-puna na sa pag detalye ng mga balita, halos wala nang ipinagkaiba sa mga pangyayari sa digmaan: panganganyon ng tubig ng CCG sa mga sasakyan ng PCG na nagkakalasug-lasog na o ang pagkaputol ng daliri ng tripulanteng Pilipino dulot ng banggaan ng mga barko ng mga magkatunggaling pwersang Chino at Pilipino.

Minsan ay ipinahayag ni Presidente Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na isang-isang buhay Pilipino lang ang masawi sa karahasang gawa ng Chino ay ipagpapalagay nang akto ng digmaan at tutugunan ng kaukulang hakbang. Ayon sa Mutual Defense Treaty (MDT) ng Pilipinas at America, ang ganung akto ay hihingi na ng pakikialam ng America.

Kaya nang maputulan na ng daliri ang tripulanteng Pilipino bunga ng karahasan ng Chino, di maiwasang isipin na iyun ay patungo na sa pinangangambahan na digmaan.

Sa ganitong kalagayan di kaginsa-ginsay naganap ang Ikatlong Plenum ng 20th CC CPC.


Ano ang ibig sabihin nito?

May matibay na basehan ang mundo kung saan talaga papunta ang China. At partikular sa Pilipinas, ang lumilitaw na mga pinaggagawa ba ng CCG sa PCG ay patungo talaga sa giyera?

Para sa kolum na ito, malaking tulong ang Ikatlong Plenum 20th CC CPC upang unawain ang katanungan.

Tandaan lagi na sa China, buhay na prinsipyo ang People’s Democracy. Bahagi ng panuntunan na ito ay ang pagkilala na ang Partido ang siyang may mando sa sandata. Kung hindi iuutos ng Partido, hindi ipatutupad ng Hukbo (People’s Liberation Army – PLA). At sa panahon na ang pinakamainit na isyu sa Pilipinas ay ang kinatatakutang pagsalakay ng China, ang pinakamataas na nasusunod na awtoridad ng China ay ang Ikatlong Plenum 20th CC CPC. Kaya minarapat nating suriin ang communique na pinalabas ng plenum. Kung ang giyera ng China sa Pilipinas ay nakatakdang maganap, dapat na bahagi ito ng mga pinagtibay sa Ikatlong Plenum. Subalit sa paulit-ulit kong pagrepaso sa communique, wala ni isang banggit sa sigalot sa South China Sea ang aking nasulingan. Ang pinakamalapit na maaaring mabanggit na sinabi ng dokumento tungkol sa bagay na ito ay ang atas na “habulin ang progreso samantalang tinitiyak ang seguridad (pursue progress while ensuring security). Pag pinag-usapan ang “seguridad,” ibig sabihin kawalan ng kaguluhan.

- Advertisement -

Kawalan ng giyera.

Bagaman binigyan-diin ng communique ang mga kalagayan sa Taiwan, Hong Kong at Macao, ni kapirasong banggit ay wala sa agawan sa teritoryo sa South China Sea.

Ang pinagpokusan na usapin ay ang Chinese modernization na naka-programang tamuhin kasabay ng selebrasyon ng ika-80 anibersaryo ng People’s Republic of China sa 2029. Ito ang nakatakdang maganap na nilalaanan ng China ng lahat na pagsisikap — at  humihingi ng lahat ng hinahon, mapayapang pakikipagpalagayan sa ibang bansa, at partikular sa Estados Unidos, “major country diplomacy (pakikipagrelasyong diplomatiko sa malalaking bansa).”

Ang kinatatakutang giyera ng China sa Pilipinas ay tanging bunga ng naisin ng Estados Unidos — samakatuwid  bagay na ayon sa communique ng Ikatlong Plenum ay tatamuhin sa pamamagitan ng “major country diplomacy.”

Nagpahayag na si Biden ng pag-atras sa eleksyong pampanguluhan ng Estados Unidos, kung kaya malamang na manalo si Trump na nagpahayag na  wawakasan niya ang giyera sa China sa loob ng 24 na oras.

Maging sa panig ng Amerika at ng China, burado na ang posibilidad ng giyera. Tanging sa panig na lamang ng Pilipinas — partikular  ni Bongbong — buhay  ang isyu ng pananalakay ng China.

- Advertisement -

Giyera sa propaganda ang nagaganap ngayon sa South China Sea. Ang tila tumitinding girian sa pagitan ng CCG at PCG ay bahagi pa rin ng digmaan sa propaganda na prinograma ng Estados Unidos. Ibinulgar ang bagay na ito ni Herman Tiu Laurel, presidente ng Asian Century Philippines Strategic Studies Institute (ACPSSI), bilang bahagi ng Project Myuoshu na pinamumunuan ng isang Raymond Powell, dating opisyal ng United States Air Force na ngayon ay siyang bumabalikat ng gawaing propaganda laban sa China sa South China Sea. Lumilitaw na nagtatagumpay si Powell sa gawain ng pagpapainit ng galit ng Pilipino laban sa China. Mangyari pa, malaking tulong dito ang lantarang pro-America na mga patakarang dinidiskartehan sa kanilang mga sarili nina primera Amboys na sina Defense Secretary Gilbert “Gibo” Teodoro at PCG Spokesperson Jay Tarriela.

Malaki rin naman ang kontra propaganda ng mga progresibong grupo tulad ng ACPSSI, kung kaya epektibong nasasagkaan din naman ang pananalasa ng propaganda kontra-Chino.

Sa ganang kolum na ito, pinakamabisang paraan pa rin ng pagpigil sa paglaganap ng damdaming kontra-Chino sa hanay ng mga Pilipino  ay ang pagtugon sa karaingan ng sikmura ng masang Pinoy.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -