IPINAGMALAKI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagtaas ng Career Executive Service (CES) occupancy rate sa 50% mula sa 44% noong mga nakaraang taon, sang-ayon sa layunin ng administrasyon sa ilalim ng Philippine Development Plan 2023-2028.
Sa Gawad CES Awarding at panunumpa ng mga bagong CES officers (CESOs) na ginanap kahapon, Agosto 5 sa Malakanyang, binigyang-diin ni PBBM ang papel ng CES sa pagsulong ng epektibong burukrasya at pagpapatuloy ng government programs. Kinilala ng Pangulo ang mga awardee para sa kanilang dedikasyon sa serbisyo publiko at hinikayat ang CESOs na patuloy na maging tapat sa pagsasagawa ng kanilang tungkulin.
Tinatayang 146 ang mga bagong itinalagang CESO na nanumpa sa harap ni Pangulong Marcos. Sa kaparehong event, apat ang ginawaran ng Gawad CES at pinagkalooban ng Presidential Award for 2021, 2022 and 2023.