26.1 C
Manila
Biyernes, Enero 17, 2025

DepEd Sec Angara hinimok ang mga empleyado ng DepEd na manguna sa pagiging mabuting empleyado ng gobyerno

- Advertisement -
- Advertisement -

DUMALO si Kalihim Sonny Angara sa selebrasyon ng Buwan ng Asean, Buwan ng Wika, at Pagtataas ng Watawat na ginanap nitong ika-5 ng Agosto sa Bulwagan ng Karunungan, DepEd Central Office.

“Bilang mga miyembro ng sektor ng edukasyon, dapat tayong manguna sa pagpapalaganap ng mga prinsipyo ng pagkakaisa, pagtutulungan, at pagkilala sa iba’t ibang kultura ng mga taong nakakasalamuha natin araw-araw,” mensahe ni Kalihim Angara.

Bukod sa pagbibigay-pugay sa pagkakatatag ng Asean, ibinahagi rin ni Kalihim Angara ang pagkakaroon ng salary increase para sa mga guro at kawani ng gobyerno batay sa nilagdaang Executive Order 64 na pinirmahan ni Pangulong Bongbong Marcos noong ika-2 ng Agosto ngayong taon.

Binigyang-diin din ni Kalihim Angara na sisikapin din ng Kagawaran na maisaayos ang implementasyon ng career progression ng mga guro sa pampublikong paaralan ayon na rin sa direktiba ng Pangulo.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -