IBINAHAGI ni Mark Noriel Bass, isang Grade 7 student at benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) mula sa Presentacion, Camarines Sur, na mas lumawak ang kanyang kaalaman sa sarili, pag-uugali, at natuklasan ang kanyang mga talento matapos dumalo sa sampung Youth Development Sessions (YDS) ng 4Ps.
Ang YDS ay isang modular na sesyon para sa mga high school na benepisyaryo ng 4Ps, na naglalayong magbigay ng mahalagang kaalaman at kasanayan sa mga kabataan upang matulungan silang mapagtagumpayan ang mga pagsubok sa kanilang pag-unlad sa buhay.