MAY kampnya ang Department of Interior ang Local Government (DILG) upang maipabatid ang mga karapatan at kaalaman sa mga mamamayan sa pamamagitan ng pitak na Tanong ng Bayan.
Narito ang paliwanag tungkol sa karampatang parusa kung napatunayang hindi ginagawa ng barangay officials o Sangguniang Kabataan (SK) officials ang kanilang obligations/responsibilities?
Ang isang barangay official o Sangguniang Kabataan (SK) Official ay maaring sampahan ng kasong administratibo. Kung sakaling napatunayan ng Sangguniang Bayan o Sangguniang Panglungsod, after due process, na may pagpapabaya sa tungkulin or gross negligence, or dereliction of duty, ang isang elected Barangay Official ay maaaring mapatawan ng 60 days preventive suspension alinsunod sa Section 63(b) ng LG Code of 1991, or a penalty of suspension for a period of 6 months in accordance with Section 66(b) of the same Code.
Sa kaso ng erring SK Official, sinumang halal na opisyal ng SK, matapos ang due process, ay maaaring masuspinde ng hindi hihigit sa anim na buwan o matanggal sa pwesto sa pamamagitan ng mayoryang boto ng lahat ng miyembro ng Sangguniang Bayan o Sangguniang Panlungsod, alinsunod sa Seksyon 18 ng batas ng SK Law. Ang desisyon ng kinauukulang sanggunian ay dapat na pinal at executory. Impormasyon mula sa DILG National Barangay Operations Office (NBOO).