BUMISITA si Department of Transportation (DoTr) Secretary Jaime Bautista kasama sina Civil Aeronautics Board (CAB) Executive Director Carmelo Arcilla at Manila International Airport Authority (MIAA) Spokesperson Atty. Chris Bendijo, sa OFW Lounge sa NAIA Terminal 3, ngayon, ika-16 ng Agosto 2024.
Personal na kinamusta ni Sec. Bautista ang mga naabutang OFW na naghihintay sa kani-kanilang flights. Tiningnan din niya ang mga pasilidad sa naturang lounge at sinigurong komportable ang paghihintay ng ating mga modernong bayani dito.
“Para sa inyo (OFWs) ito, kayo ang VIP dito,” ani Sec. Bautista habang kausap ang mga OFW sa lounge.
Habang naghihintay sa kanilang flights maaaring i-avail ng ating mga OFWs ang libreng pagkain sa lounge, mag-charge ng kanilang gadgets, at komportableng magpahinga muna matapos o bago lumipad patungong ibang bansa.