BUNSOD ng paulit-ulit na suicide reports ng mga doktor dahil sa bullying, muling binusisi ni Senador Raffy Tulfo kung ano na ang naging hakbang o aksyon na ginawa ng Department of Health (DoH) para dito.
Sagot ng DoH, nag-isyu na raw sila ng mga memo sa mga ospital gayundin ang hotlines at email na pwedeng pagsumbungan ng mga biktima.
Hindi epektibo ang mga ito ayon kay Idol kaya naman hinikayat niyang magsampa ng kaso at magsuspinde ang DoH para may masampolan at tuluyan nang mahinto ang ganitong klase at sistema ng pang-aabuso.