27.8 C
Manila
Biyernes, Setyembre 13, 2024

DoLE inilunsad patakaran sa kalayaan ng asosasyon sa Bicol

- Advertisement -
- Advertisement -

UPANG pagtibayin ang pangako ng pamahalaan na tiyakin na iginagalang ang mga pangunahing prinsipyo at karapatan sa paggawa ng sektor ng manggagawa, inilunsad ng Department of Labor and Employment (DoLE) Region 5 ang Omnibus Guidelines on the Exercise of Freedom of Association (FoA) noong Agosto 27, 2024, sa Concourse Convention Center sa Legazpi City.

Inilunsad ng Department of Labor and Employment Region V ang Omnibus Guidelines on the Exercise of Freedom of Association, kasama ang sektor ng manggagawa at employer at ang mga katuwang ng pamahalaan sa rehiyon, bilang suporta sa layunin ng pamahalaan na makapagbigay ng magandang kapaligiran para sa malaya at responsableng paggamit ng kalayaan sa pagsasama-sama o freedom of association (FOA), (Mga larawan ng DOLE Bicol)

Layunin ng paglulunsad, na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa regional labor and employment sector at government partners, na palawakin ang kaalaman at itaas ang antas ng kamalayan sa karapatan ng mga manggagawa na mag-organisa, makibahagi sa collective bargaining, at lumahok sa mga legal na aktibidad ng unyon.

Hindi bababa sa 94 na kinatawan mula sa iba’t ibang grupo ng manggagawa, employer, unyon at partner agency ng pamahalaan ang nagsama-sama para magkaroon ng pamilyaridad sa mga alituntunin sa FoA.

Kabilang sa mga lumahok na ahensya ng pamahalaan sa Bicol Region ay ang Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines, PNP SOSIA, National Intelligence Coordinating Agency (NICA), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Justice (DoJ), National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF ELCAC), Philippine Air Force (PAF), Civil Service Commission (CSC), National Conciliation and Mediation Board (NCMB), Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) , at ang Department of Trade and Industry (DTI).

Sa kanyang mensahe, binigyang-pansin ni DoLE Region 5 Officer-in-Charge Imelda  Romanillos ang kahalagahan ng Omnibus Guidelines sa paglilinaw ng mga tungkulin ng mga kinauukulan at pagtataguyod ng parehong pang-unawa sa mga prinsipyo nito na nakabalangkas sa ILO Conventions 87, 98, at 151.

“Napakahalaga ang pagtataguyod sa papel ng FOA sa pagtitiyak na iginagalang at napoprotektahan ang mga karapatan ng mga manggagawa sa pagpapatupad ng buong programa,” pahayag ni OIC Romanillos.

Kabilang sa mga paksang tinalakay ay ang mga layunin at pangkalahatang-ideya ng kaganapan, mga prinsipyo ng karapatang pantao at ang kanilang kaugnayan sa FoA, at ang pagtatanghal ng Omnibus Guidelines on the Exercise of FoA.

Lumagda din ang mga kasapi sa talakayan sa isang pangako na nagpapatibay sa kanilang pag-unawa at suporta sa pagtataguyod ng kamalayan ng karapatan sa kalayaan sa pagsasamahan ng mga manggagawa, employer, at mga partner ng pamahalaan.

Nakibahagi din ang Provincial Directors (PDs) ng DoLE Region 5, na sina PD Albay Ching Banania, PD Camarines Sur Ella Verano, PD Camarines Norte Cherry Mosatalla, PD Catanduanes Eduardo Lovedorial, PD Masbate Lynette Dela Fuente, PD Sorsogon Jane Rolda.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -