NAGBIGAY ng ulat si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. hinggil sa kasalukuyang ginagawa ng pamahalaan kung paaano matutulungan ang mga biktima ng bagyong Enteng. Narito ang kanyang ulat.
“Patuloy nating tinutugunan ang epekto ng bagyong Enteng na dumadaan sa kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas, at nananalanta pa rin sa hilagang bahagi ng Luzon.
“Nakapaghatid na tayo ng higit P16 milyong halaga ng tulong mula sa DSWD (Department of Social Welfare and Development) para masuportahan ang mga pinakanangangailangan. Nakahanda ang P65.56 milyon na standby funds, at P2.60 bilyong halaga ng food and non-food items.
“Tuloy-tuloy parin ang ating rescue teams sa pagtulong, at nagagalak tayong ibahagi na mahigit 63,000 sa ting mga kababayan ang ligtas na nakalikas sa 452 evacuation centers.
“Mayroon tayong P480.61 milyong halaga ng health logistics sa ating mga rehiyon para sa agarang serbisyong pangkalusugan para sa lahat.
“Tinatawagan ko ang ating mga LGU na agad na tugunan ang waste management issue na maiiwan ng bagyo. Ang ating mga katuwang sa DPWH (Departemnt of Public Works and Highway) ay nasa ating mga komunidad para umpisahan na ang clearing operations ng mga apektadong national roads.
“Higit 1,700 na kagamitan ang naka-preposition sa ating mga rehiyon para siguruhing madadaanan ang ating mga lansangan. Binabalik na rin ang kuryente, at available din ang emergency communications equipment at higit 2,000 search, rescue, and retrieval assets kung kakailanganin.
“Habang inaasahan natin itong lalabas ng Philippine Area of Responsibility bukas, hindi rito natatapos ang ating trabaho. Sundin po natin ang abiso ng mga lokal na awtoridad at gawin natin ang lahat para sa kaligtasan ng bawat isa.”