26.5 C
Manila
Miyerkules, Setyembre 18, 2024

Breadwinner ka ba ng pamilya mo?

MGA KUWENTO NI PERANG (ESTE PARENG JUAN)

- Advertisement -
- Advertisement -

UNCLE,  nakasabay ko yung ka-opisina ko kagabi. Namomoroblema siya sa pamilya n’ya.

Bakit, Juan?

Kasi naman, Uncle, sa kanya na daw nakaasa buong pamilya n’ya. Siya lang daw kasi yung medyo maganda ang trabaho. Kaya lahat ng gastusin sa bahay, nakatoka sa kanya.

Matanda na ba mga magulang n’ya?  Yung mga kapatid n’ya, ano ang ambag nila sa gastusin?

Naku, Uncle, retired na ang parents at ang tatlo naman nyang kapatid, yung dalawa nag-aaral pa at yung isa naman, mahina daw ang kinikita. Kaya wala syang naiipon.


Mahirap nga ang situwasyon na ganyan, Juan,  lalo na’t kung ikaw lang ang inaasahan. Hindi namang masamang tumulong. Sa ating mga Pilipino, hindi na katakataka ang isyu ng financial dependence sa mas may kabuhayan ika nga. Pero dapat maintindihan na may pangangailangan ka din at siyempre mga pangarap sa buhay na gusto mong tuparin.

May masamang epekto talaga din ang financial dependence o ang patuloy na umaasang mga miyembro ng pamilya sa kinikita ng iba.

Una, kalimitan nagiging tamad ang umaasa na lang at may posibilidad na sila ay umabuso sa kabaitan ng kanilang kapamilya.

Pangalawa, nagkakaroon ng “material entitlement” o iyong paguugaling kailangan mapunan ang kanilang kakulangan sa paghihirap ng ibang tao.

- Advertisement -

Pangatlo, nawawalan din ng pagpapahalaga sa sarili at nagkakaroon ng pag-iisip na sila ay walang kuwenta, kaya dapat mabigyan sila mg sapat na tulong para sila ay mabuhay nang marangal.

Pang-apat, magsasawa din ang nagbibigay at kapag hindi nakapagbigay, sila ay sisihin at babansagang madamot o walang pakialam sa problema ng pamilya. Nasisira tuloy ang relasyon ng buong pamilya.

At panghuli, kawawa ang breadwinner kasi wala ng matitira para sa kanyang sariling financial goals at iba pang aspirasyon sa buhay, lalo na kung sapat-sapat lang naman ang kinikita.

Kung ikaw ay breadwinner ng pamilya, paano mo ba makokontrol o di kaya’y imamanage ang paglalim o pagiging problema ng financial dependence ng kapamilya?

Maging MATATAG ka sa iyong posisyon na kailangan may limitasyon o boundaries ang iyong pagtulong.

M-agkaroon ka ng open communication sa iyong kapamilya. Ipaintindi mo sa kanila ang kasalukuyan mong sitwasyon at ang mga pinansyal mong plano para sa iyong personal na kinabukasan. Ano ba ang pagbabago na gusto mong mangyari? Paano mo ba sila matutulungan sa ibang bagay maliban sa pinansyal na aspeto?

- Advertisement -

A-ksyonan mo ang puede mong “transition plan” kung saan ilagay mo ang budget na ilalaan mo taon-taon para sa pamilya mo hanggang sa sila ay puwede mo ng bitawan habang sila naman ay gumagawa ng mga tamang paraan tungo sa financial independence nila sa yo.

T- apatin mo ang iyong pamilya sa kung ano ba ang suportang puwede mong maibigay sa kanila para sila ay makatayo sa mga sarili nilang paa. Dapat maging tapat din sila sa mga plano nila para makatulong na hindi masyadong maging pabigat sa breadwinner ng pamilya.

A-lamin kung paano mag-“No” sa mga kapamilya na lumalabis sa ekspektasyon mo o sa pinag-usapan. Pero magbigay din ng alternatibong solusyon kung paano matutulungan ng kapamilya ang kanilang mga sarili na hindi umaasa sa iba.

T- ratuhin na ito ay isang proseso na hindi matatapos sa isang usapan lang. Ito ay magandang pinag-uusapan sa bawa’t pagkakataon na ang buong pamilya ay magiging handa sa mga hamon ng dahan-dahan na pagkalas sa buhay na nakadepende lang ng todo sa breadwinner.

A- bangan ang magandang resulta ng prosesong ito at pagnilayan kung ano pa ang makakatulong sa financial independence ng buong pamilya. Mahalaga din ang emotional at mental support habang tinatahak ng bawa’t miyembro ng pamilya ang kabuuang proseso.

G- awing disiplina ang pagbibigay ng financial education sa buong pamilya para matuto ang bawa’t isa tungkol sa pagba-budget at pag-iipon para sa mga emergency o krisis na di natin inaasahan.

O, Juan, matatag ka ba?

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -