27.5 C
Manila
Miyerkules, Disyembre 4, 2024

Deliberasyon sa P45B budget ng DoLE sa 2025, sinimulan na ng Kapulungan

- Advertisement -
- Advertisement -

IPRINISINTA ng Department of Labor and Employment (DoLE) ang kanilang panukalang P45 bilyong budget para sa taong 2025, sa ginanap na deliberasyon sa Komite ng Apropriasyon ng Kamara de Representates, noong Miyerkules, Agosto 21.

Inilahad ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma (itaas), kasama ang mga senior official at pinuno ng bureaus, services, at attached agencies (kanang mesa, ibabang larawan), ang panukalang P45 bilyong budget ng Kagawaran sa harap ng Committee on Appropriations at sa mga mambabatas (kaliwang mesa, ibabang larawan) sa House of Representatives noong Miyerkules, Agosto 21, 2024. (Kuha ni Alejandro P. Echavez, DOLE-IPS)

Ang P45 bilyong budget ng DoLE sa ilalim ng 2025 National Expenditure Program (NEP) ay mababa ng 26.09 porsiyento o P15 bilyon mula sa P61 bilyong budget ng DoLE ngayong taon sa ilalim ng 2024 General Appropriations Act (GAA), ngunit mas mataas kumpara sa P39 bilyong budget sa ilalim ng 2024 NEP.

Batay sa panukalang budget, P34.36 bilyon (76%) ang inilalaan para sa Maintenance and Other Operating Expenses, P7.36 bilyon (16%) para sa personnel services, at P3.56 bilyon (8%), para sa capital outlay.

Sa kabuuang budget, 54 porsiyento ang nakalaan para sa attached agency ng DoLE, tulad ng Technical Education and Skills Development Authority (P18.50 bilyon), ang Professional Regulation Commission (P2.71 bilyon), National Labor Relations Commission (1.50 bilyon), National Conciliation and Mediation Board (P329.27 milyon), National Wages and Productivity Commission (P351.21 milyon), at ang Institute for Labor Studies (P95.56 milyon).

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -