TUMAAS sa 96.0% ang employment rate sa bansa noong August 2024 mula sa 95.3% noong July 2024, ayon sa resulta ng pinakabagong Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Naitala ng PSA sa 49.2 milyon ang bilang ng mga Pilipinong may trabaho noong Agosto 2024.
Mas mataas din ang labor force participation rate, at mas mababa naman ang unemployment at underemployment rate, kumpara sa mga antas na naitala noong Agosto ng nakaraang taon.