IPINAGDIWANG nina Padel Pilipinas at pambansang atleta na sina Taoyee Tan at Marian Capadocia ang kanilang makasaysayang tagumpay bilang kauna-unahang all-Filipina padel champion.
Nanalo ng ginto ang dalawa sa Female Pro category sa Asia Pacific Padel Tour Grand Slam sa Singapore noong Oktubre 6. Kasama nila si Senator Pia Cayetano at National Team Captain LA Canizares. (Larawan mula sa WALL PHILIPPINES / Jansen Romero)