34 C
Manila
Martes, Hunyo 17, 2025

Bahay ni Don Mariano Balsomo Hamoy, NHCP site na

- Advertisement -
- Advertisement -

ANG Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas (NHCP) sa pangunguna ng Tagapangulo nitong si Regalado Trota Jose Jr, ay naglahad ng makasaysayang tanda, “Bahay ni Don Mariano Balsomo Hamoy” sa Dagupan City, Zamboanga del Norte ngayong Lunes, Oktubre 14, 2024, 4:30 p.m.

Ipinakita ni NHCP Chair Jose ang historical marker. Samantala, ibinigay ni Peter Dominic Hamoy ang kanyang acceptance message pagkatapos lagdaan ang certificate of transfer. Ang mga saksi sa paglagda ay sina  Kathlyn  Hamoy, NHCP Executive Director Carminda Arevalo, Dapitan City Mayor Seth Frederick Jalosjos, at Dapitan City ABC President Sushmita Jalosjos.

Ang NHCP ay ang pambansang ahensya ng pamahalaan na inatasan na itaguyod ang kasaysayan ng Pilipinas sa pamamagitan ng mga museo, pananaliksik, at mga publikasyon nito, at upang mapanatili ang makasaysayang pamana sa pamamagitan ng konserbasyon at pagmamarka ng mga makasaysayang lugar at istruktura.

(Halaw ang kuwento at mga larawan mula sa  page ng NHCP)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -