26 C
Manila
Huwebes, Disyembre 12, 2024

Pagsasanay sa barangay tungkol sa kaalamang pang-siyensya ukol sa kalikasan

- Advertisement -
- Advertisement -
PATULOY ang Barangay Holy Spirit ng Quezon City sa pakikipag-ugnayan sa Metropolitan Environmental Office (MEO) – East sa pagsasagawa ng pagsasanay sa kanilang barangay upang maipagpatuloy ang mga pagtuturo sa kanilang komunidad ng kaalamang pang-siyensiya ukol sa kalikasan.
Kaya naman muling nagsagawa nito sa nasabing barangay ang tanggapan ng MEO-East na dinaluhan ng mga Environmental Enforcer, mga kinatawan mula sa Engineering Department at mga magsasaka ng Gulayan at Bulaklakan Research and Training Center ng barangay.
Pangunahing mga paksang tinalakay rito ang mga batas kaugnay sa tree cutting, earth-balling, at pruning; kasama ang rules and regulation ng Republic Act 9175 na kilala bilang Chainsaw Act of 2002 lalo pa at isa ito sa mga batas na sumasagot sa mga problemang kinakaharap sa kanilang lugar gaya ng mga pagpuputol ng puno sa mga pribadong lugar, at iba pa.
Ang MEO-East ay tuloy-tuloy sa pakikipagtulungan sa Barangay Holy Spirit hindi lamang sa pagsasagawa ng mga pagsasanay at Dalaw Turo, kundi maging sa mga implementasyon at pagsubaybay ng mga programang pangkalikasan sa kanilang nasasakupang lugar. Ang MEO-East ang tanggapan ng DENR National Capital Region na sumasaklaw sa Marikina, Pasig at Quezon City.
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -