31.1 C
Manila
Linggo, Nobyembre 10, 2024

Abiso para sa Undas

- Advertisement -
- Advertisement -
PINAPAYAGAN pansamantala ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang mga provincial buses na dumaan buong araw (24/7) sa kahabaan ng Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA) bunsod ng inaasahang bilang ng mga pasahero na pauwi sa mga probinsya sa paggunita ng Undas.
Epektibo ito ngayong araw, Oktubre 29, hanggang ika-5 ng umaga sa Nobyembre 4, 2024.
Ang mga provincial buses mula sa North Luzon ay maaaring huminto sa mga terminal sa Cubao, Quezon City.
Ang mga bus galing South Luzon ay hanggang sa Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) at Pasay lamang.
Ito ay bilang tugon sa kahilingan ng Nagkakaisang Samahan ng Nangangasiwa ng Panlalawigang Bus sa Pilipinas Inc. (NSNPBPI) na inaprubahan ng MMDA Chairman Atty. Don Artes.
Sa liham ni Chairman Artes kay NSNPBPI Executive Director Alejandro Yague Jr., nakasaad dito na sila ay pinapayagang mag-operate sa EDSA. Kinakailangan lamang nilang makakuha ng special permit/s mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Bahagi ng Oplan Undas 2024, layunin nito na mapabilis at tuloy-tuloy na pagbiyahe ng mga provincial buses sakay ng kanilang mga pasahero.
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -