KASUNOD ng deklarasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang ikatlong SONA, nailabas na ang Executive Order No. 74 na nag-uutos ng agarang pagbabawal ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGO), Internet Gaming, at iba pang offshore gaming activities sa Pilipinas.
Ang hakbang na ito ay tugon sa mga alalahanin ng mga ahensya tulad ng Department of Finance (DoF) at Anti-Money Laundering Council (AMLC), na nagsasabing nagdudulot ang mga operasyon ng POGO ng mga negatibong epekto tulad ng pagtaas ng krimen, exploitation, at panganib sa money laundering.