26 C
Manila
Huwebes, Disyembre 12, 2024

Paano maiiwasan ang krimen sa kapaskuhan?

MGA KUWENTO NI PERANG (ESTE PARENG JUAN)

- Advertisement -
- Advertisement -

Uncle, kamusta ka na?

Naku, Juan, masakit pa rin ang katawan ko!

Oo nga, grabe naman kasi ang nangyari sa inyo.

Pinatawad ko na yung mga “tandem in motorcycle” na yan na nagnakaw ng bag ko kaya ako natumba’t nagkapasa-paşa ang katawan ko.

Magpapasko na kasi, Uncle. Kaya naglipana na naman ang masasamang tao sa kalye.


Totoo ka dyan. Sabi nga ng mga nababasa ko, tumataas daw talaga ang crime rate tuwing holiday season. Kasi sa panahong ito, mas maraming cash daw ang mga tao, nagsho-shopping sa mga mall at kumakain sa labas.

Mas malaki ang oportunidad na makapagnakaw at mag-target ng mga tao lalo na sa mga mukhang hindi masyadong maingat, mga “senior citizens” o mga taong hindi mapagmatyag sa kanilang mga kapaligiran.

Nakakalungkot na hindi lang pera ang mawawala sa iyo kundi masasaktan ka pa, mato-trauma, made-depress at gagastos sa pagpapagamot, na isang malaking problema lalo na kung wala kang HMO o ipon  para sa mga hindi inaasahang pangyayari tulad nito.

Magandang pag-usapan kung paano ba maiiwasan ang mga krimen na nangyayari tuwing kapaskuhan. Kasi kung maingat tayo tungkol sa pagba-budget, pag-iipon at pag-invest, dapat mas maingat tayo na hindi tayo mapagsamantalahan ng iba o maabuso ng mga di kanais-nais na mga elemento ng ating lipunan.

- Advertisement -

Una, huwag magdala ng malaking cash pag lumalabas. Kung puwede debit cards na lang ang gamitin kasi puwede itong ialerto sa bangko kung sakalıng mawala o nakawin. Ganun din sa credit card, madali ring mapa-block sa bangko kung ito’y ninakaw. Yung sa ating cell phone naman, i-check siguro natin kung may features yung phone natin na nade-detect kung saan Ito napunta pag nawala. Iwasan nating ilabas o gamitin ang cell phone kung tayo ay naglalakad kasi dito madalas hinahablot ang mga ito.

Pangalawa, paghiwa-hiwalayin ang mga cash at iba’t ibang cards o ID sa iba’t ibang lalagyan. Para hindi maging “wholesale” ang suwerte ng magnanakaw.

Pangatlo, huwag patulan ang mga ino-offer ng kung sino-sino, kahit pa mukhang legit Ito tulad ng bangko, remittance center, pawnshop o GCash, sa mga text na nagsasabing meron daw nakatabing pera para sa iyo o nanalo ka ng premyong pera. Kadalasa’y mga scam ito at manghihingi lang ito ng OTP sa inyo na hindi nyo dapat binibigay kahit kanino.

Pang-apat, iwasang pumunta sa mga pamilihan o lugar na masyadong matao o masikip kasi mas malaki ang posibilidad na maraming nagsasamantalang masamang tao dito.

Panglima, magkaroon ng kopya ng mga ID, credit cards at iba pa para mas madaling marekober kung sakalıng mawala ang mga Ito.

Pang-anim, pag nagshopping at naisipang ilagay sa kotse ang napamili at maisipang umalis muli, magmasid sa paligid ng parking area at siguraduhing walang sumusunod sa inyo, kahit pa ito ay sa mall parking. Kadalasa’y dito ka masasasilihan ng mga kawatan. Siguraduhing nakalock ang sasakyan at içheck parati ang alarm.

- Advertisement -

Pangpito, kung maiiwasan, huwag nating iwan ang ating bahay. Sa pagiging busy ng mga tao sa pamimili at paghahanda,  marami din dyan ang nagmamanman at tumitiyempo sa tamang panahon. Pag pinasok ang inyong bahay, para ka ring nasunugan. Kung meron kang CCTV o alarm, mas mainam. O kung may ilaw ka na automatic na sumisindi kapag madilim na, makakatulong din Ito sa house security.

Pangwalo, siguraduhin na tama ang security settings ng Inyong social media, lalo na kung ugali nyong mag-update ng mga nangyayari sa inyong buhay. High-tech na rin ang mga magnanakaw ngayon na pati sa social media ay nakamasid kung nasaan kayo.

At panghuli, kung wala rin naman talaga tayong gagawin sa labas, manatili na lamang kayo sa bahay at wala pa kayong gastos na uubos lamang ng ilang buwan nyong pinag-ipunan. Itabi nyo na lang ang Inyong pera sa emergency fund para mas sigurado pa kayo pag kayo’y nangailangan.

O, Juan, mag-Ingat ka din. Wala ng sinisino ang mga salarin. Sana naman mas palakasin pa ng kapulisan ang seguridad natin sa holiday season na ito.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -