SA Annual Christmas Tree Lighting sa Malacañang, nanawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga Pilipino na alalahanin at tulungan ang mga biktima ng bagyo at sunog ngayong Pasko. Binigyang-diin din ni PBBM ang kahalagahan ng malasakit at pagkakaisa sa kabila ng mga hamon na kinaharap ng bansa.
Kasama si First Lady Louise Araneta Marcos pinangunanahan ni Pangulong Marcos ang Christmas tree lighting ceremony sa Kalayaan Grounds ng Malacañan Palace kahapon, December 1, 2024.
Sa naturang programa, ipinagkaloob ng pangulo ang mga parangal sa top three winners of the National Parol-Making Competition na pinangalanang, ‘Isang Bituin, Isang Mithiin,’ ng Office ng President (OP), Office of the Social Secretary (SoSec) at Department of Education (DepEd).
Ang kumpetisyon ngayong taon ay nakakalap ng 148 Christmas lantern na ginawa ng iba’t ibang pampublikong sekondaryang paaralan. Layunin nitong ipakita ang init ng ‘Paskong Pinoy’ at ang pag-asa sa ‘Bagong Pilipinas.’
Isa pang event highlight ay ang pagtatanghal ng mga kilalang artista sa bansa, kabilang sina Jose Mari Chan, The Alice Reyes Dance Philippines at Carla Guevara-Laforteza.