MAHALAGA malinang ang kasanayan sa pagsusulat dahil malaki ang maitutulong nito sa pag-aaral, propesyon, pakikipagkapwa at pagbabagong panlipunan. Sa pamamagitan ng pagpapaunlad sa larangang ito ay mas nakapagpapahayag tayo ng malinaw, matuwid, at makabuluhan. Ang mga sumusunod ay ilang panuntunan at gabay sa pagsusulat bilang isang sining.
- Bumuo ng concept map para maorganisa at maestablisa ang ugnayan ng mga ideya.
- Bumuo rin ng balangkas (outline) para maging gabay sa daloy ng pagsusulat.
- Bumuo ng draft o borador at tuloy-tuloy na paunlarin ang nilalaman at istruktura nito.
- Gumamit lamang ng mga mapagkakatiwalaang sanggunian (publikasyon man o kapanayam).
- Aralin pareho ang mga canonical at contemporary works ukol sa paksa o larangang isinusulat.
- Alamin at linawin kung para saan ang kailangang isulat. Ito ba ay concept paper, critique personal essay, script o thesis?
- Pumili ng paksa sa pananaliksik batay sa personal, institusyonal at panlipunang konsiderasyon (ayon sa mga iskolar na sina Dr. Arugay, Dr. Solis at Dr. Lorenzana).
- Alamin at linawin kung sino ang inaasahang mambabasa ng iyong akda.
- Tiyaking tumutugon ang akda sa itinakdang haba.
- Tiyaking walang makokompromisa na mahahalagang kaisipan kapag kailangang paikliin ang akda alinsunod sa itinakdang haba.
- Pagyamanin ang bokabularyo.
- Gumamit at sumangguni sa thesaurus at dictionary.
- Itala ang mga bagong natutunang salita at kaalaman mula sa mga binabasa. Gamitin ang mga ito kapag may pagkakataon.
- Magbasa nang magbasa. Paglaanan ng oras ang pagbabasa.
- Matuto sa istilo ng pagsusulat ng iba kabilang ang mga dati at bagong manunulat sa larangan.
- Bumuo ng sariling istilo kung kakayanin. Ang istilong ito ang siyang magiging tatak mo bilang manunulat.
- Mag-eksperimento ng ibaโt ibang istilo ng pagsusulat hanggang matukoy ang pinakaninanais. Humingi ng payo at puna mula sa iba.
- Dumalo o sumali sa mga pagsasanay (training) at palihan (workshop) sa pagsusulat. Matuto mula sa mga instruktor at ibang kalahok.
- Sumali rin sa mga patimpalak sa pagsusulat upang mas mahasa sa larangan.
- Alamin ang iyong antas ng kakayahan sa pagsusulat. Napakahalaga ng self-awareness sa sining ng pagsusulat.
- Seryosohin ang mga asignatura sa wika, pagsusulat at pananaliksik. Mas maaga, mas mabuti.
- Ugaliing magbasa ng peryodiko para yumaman ang kaalaman sa mga napapanahong isyu.
- Magbasa ng akda mula sa ibaโt ibang genre kagaya ng textbook, academic journal, autoethnography, opinion column, policy brief, annual report, speech, script, short story, political novel, biography, blog at iba pa.
- Mag-isip ng angkop at malikhaing titulo para sa akda.
- Gawing epektibo ang pambungad.
- Maglagay ng mga subheading kung kinakailangan.
- Matuto ng ibaโt ibang paraan at istilo ng pagsusulat.
- Iwasang maging palasak (trite) sa nilalaman at istilo.
- Lagyan ng mga kaukulang halimbawa at ilustrasyon upang mas madaling maunawaan.
- Gawing pukaw-atensyon ang panawagan ng pagkilos (call to action) sa dulo.
- Tiyaking tama ang balarila (grammar) at ang konteksto ng paggamit ng mga salita at parirala.
- Ayusin at gawing lohikal ang daloy ng inaakda.
- I-ayon ang istrukrura ng akda alinsunod sa layunin ng proyekto o rekisito.
- Ikonsidera ang mga panuntunan at kombensyon na sinusunod sa genre o larangan.
- Gumamit ng statistics (quantitative) at stories (qualitative) bilang pagpapatunay at pagpapatibay.
- Palakasin ang argumento gamit ang matitibay na ebidensiya.
- Gawing malinaw at matalas ang pagbibigay ng interpretasyon sa mga datos.
- Maging maingat sa paggamit ng mga bantas (punctuation).
- Tiyaking buo at hindi magulo ang mga pangungusap.
- Gumamit ng mga angkop na connector at signposting upang mas maging maayos ang transisyon sa bawat talata at bahagi.
- Pagtuunan ng pansin ang mga detalye ng akda. โThe devil is in the details,โ wika nga.
- Ugaliing sipiin ng tama ang mga batis (sources).
- Ipatupad ang tamang attribution at citation ng mga batis.
- Tandaan na ang pagsusulat at pananaliksik ay malayuning porma ng komunikasyon.
- Unawain na ang posisyonalidad (positionality) ay may malaking impluwensiya sa manunulat. Ang posisyonalidad ay maaaring tumukoy sa kasarian, ideolohiya, edukasyon, edad, abilidad, pangkat-etniko at uring kinabibilangan (social class).
- Aralin mabuti ang akda para maiwasan ang incoherence at inconsistency.
- Alamin ang magiging platform, medium o channel ng komunikasyon para sa isinusulat na akda. Wika nga ni Marshall McLuhan, โthe medium is the messageโ dahil naaapektukan ng una ang huli.
- Bigyang pansin ang tambalan at talaban ng mga ideya.
- Gawing payak ang pagpapahayag upang mas madaling maunawaan ng nakararami.
- Iwasang maging paulit-ulit ang ideya.
- Iwasan rin ang pagpapaulit-ulit ng salita. Pumili ng mga angkop na katumbas.
- Ipatupad ang pinakamataas na antas ng etika sa pagsusulat, pananaliksik at paglalathala (ethical writing, academic ethics, research ethics, publication ethics).
- Maging culturally at gender sensitive sa pagsusulat.
- Ugaliin ang fact-checking sa pananaliksik at pagsusulat.
- Huwag maging ahente ng misimpormasyon at disimpormasyon.
- Sanayin ang sarili sa media literacy, information literacy, news literacy, digital literacy, technological literacy at AI literacy.
- Balansehin ang impormasyon upang maiwasan ang information overload ng mga mambabasa.
- Gamitin nang tama ang teknolohiya at alamin ang limitasyon nito.
- Gumamit ng angkop na discursive strategies, semiotic resources, at rhetorical devices sa pagsusulat.
- Gawing disiplinado ang pagsusulat.
- Alamin ang pinakaproduktibo mong oras ng pagsusulat.
- Magsulat nang malinaw ang isipan.
- Iwasan ang pagpapaliban ng pagsusulat. Paglaanan ito ng kaukulang oras tuwina.
- Magtiwala sa sariling kakayahan at pagsumikapang igpawan ang mga limitasyon.
- I-edit mabuti ang akda.
- Ipa-edit sa iba ang akda kung maaari (peer editing).
- Magpakumbaba na tumanggap ng constructive criticism.
- Subukan ding pasadahan ng edit ang akda mula sa huling talata tungong unang talata. Kadalasang hindi napagtutuunan nang sapat na pansin ang dulong bahagi.
- Basahin nang malakas ang akda upang mahagip ang mga kailangang iwasto. Nakatutulong ito para mas mapulido ang isinulat.
- Itala at aralin ang mga mungkahi ng content at language editors.
- Pagdesisyunan mabuti kung anu-ano sa mga mungkahi ang ipapatupad sa koreksyon.
- Subukan ding mag-edit ng akda ng iba upang matukoy ang mga karaniwang pagkakamali sa pagsusulat.
- Tiyakang may backup copies ng mga isinulat.
- Lagyan ng angkop na filenames ang akda batay sa bersyon ng draft.
- Balikan at aralin ang mga dating naisulat para masubaybayan ang iyong pag-unlad bilang iskolar at alagad ng sining.
- Tandaan na ang pagsusulat ay isang kasanayan (skill) na dapat hinahasa nang tuloy-tuloy.
- Humingi ng gabay sa mga mahuhusay at may mahabang karanasan sa pagsusulat.
- Magbahagi rin ng kaalaman sa iba dahil ang edukasyon ay hindi dapat makasarili.
- Tipunin ang mga akda para maging sanggunian sa hinaharap.
- Palalimin ang kaalaman sa larangan upang maging mas makabuluhan ang akda.
- Sumabak sa praktika upang may mas malalim na balong mapaghuhugutan ng naratibo.
- Isaisip na laging may puwang sa pag-unlad.
- Ipahinga ang utak, damdamin at katawan upang mas maging epektibo sa pagsusulat.
- Kumain ng masusustansiya, uminom ng tubig at matulog nang sapat.
- Mag-ambag sa paglikha ng panlipunang kondisyon na titiyak sa malaya at responsableng pagpapahayag.
- Magsulat nang may pananagutan (accountability).
- Bigyang boses ang mga marhinalisado sa pamamagitan ng iyong mga akda.
Bilang isang porma ng komunikasyon, kapwa mahalaga sa pagsusulat ang form at content. Pareho dapat pinauunlad ang istruktura at nilalaman sa pamamagitan ng patuloy na pagsasanay.ย Importante rin na pagyamanin ang kaalaman at kakayahan dahil kritikal na salik ito sa mahusay at makabuluhang panulat. Ang pasusulat ay maituturing na isang social practice dahil hindi ito maihihiwalay sa umiiral na pang-ekonomiko, pampolitika at pangkultural na konteksto ng may-akda at ng grupong kanyang kinabibilangan. At bilang pagbubuod, laging itanong sa sarili: para saan at para kanino ang iyong pagsusulat?
Para sa inyong reaksyon, maaari ring umugnay sa pamamagitan nito: [email protected]