28.8 C
Manila
Biyernes, Marso 28, 2025

šš‚š”š, nššš¤š¢š¢š¬šš š¬šš kš¢šœš¤-šØšŸšŸ š§š  šššš­š¢šØš§ššš„ š–šØš¦šžš§’š¬ šŒšØš§š­š” š¬šš šššš¬ššš²

- Advertisement -
- Advertisement -

MATAGUMPAY na inilunsad ng Philippine Commission for Women (PCW) ang taunang selebrasyon ng National Women’s Month noong Marso 5, 2025, sa Music Hall, SM Mall of Asia. Ang temang dala ng pagdiriwang ngayong taon, ā€œBabae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinasā€ ay nagbigay-diin sa mahalagang papel ng kababaihan sa pagtataguyod ng mas inklusibo at progresibong bansa.

Kabilang sa mga lumahok sa makabuluhang okasyong ito ang iba’t ibang organisasyon at ahensya ng gobyerno, kabilang ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP), na aktibong nakibahagi sa programa sa pamamagitan ng paglatag ng kanilang mga serbisyo at inisyatiba para sa maralitang kababaihan.

Hindi nagpahuli ang PCUP sa pagpapakita ng suporta sa National Women’s Month na siyang pinangunahan ni National Focal Person for GFPS, Jesse Wilvic Jacildo kasama ang mga kinatawan sa Office of the Chairperson na sina Amihan Adriano, Karla Aurora Sapno, Maryjoy Mae Padrones at Jomari Quilaton, naroon din si Klarck Kent Constantino mula sa Field Operations Division for NCR.

Sa mismong araw ng selebrasyon, naglatag ito ng mga programa at serbisyo na naglalayong ipabatid sa publiko ang kanilang adbokasiya para sa kababaihang nasa sektor ng maralita. Marami rin ang aktibong nakilahok sa kanilang interactive mini-game, kung saan hinulaan ng mga kalahok ang pangalan ng mga natatanging Pilipina na nagbigay-daan sa pagsusulong ng karapatan at pagkilala sa kakayahan ng bawat Pilipino.

Bukod dito, tampok sa programa ang ibaā€™t ibang talakayan na may layuning bigyan ng dagdag-kaalaman at proteksyon ang mga kababaihan, kabilang ang:
ā€¢ ā€œSmart Budgeting for Every Juana” na inihatid ng Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC)
ā€¢ ā€œClick Wisely, Juana! Stay Safe in the Digital World” mula sa Complaints and Investigation Division ng Legal and Enforcement Office, National Privacy Commission
Malugod ding pinasinayaan ni PCW Chairperson Ms. Ermelita V. Valdeavilla ang PCUP service booth, kung saan nagkaroon ng pagkakataon ang mga dumalo na alamin ang ibaā€™t ibang programa at serbisyo ng Komisyon para sa maralitang kababaihan.

ā€œš˜•š˜¢š˜Øš˜±š˜¢š˜±š˜¢š˜“š˜¢š˜­š˜¢š˜®š˜¢š˜µ š˜¢š˜¬š˜° š˜“š˜¢ š˜—š˜Šš˜ž š˜„š˜¢š˜©š˜Ŗš˜­ š˜£š˜Ŗš˜Æš˜Ŗš˜Øš˜ŗš˜¢š˜Æ š˜Æš˜Ŗš˜­š˜¢ š˜µš˜¢š˜ŗš˜° š˜Æš˜Ø š˜±š˜¢š˜Øš˜¬š˜¢š˜¬š˜¢š˜µš˜¢š˜°š˜Æ š˜Æš˜¢ š˜®š˜¢š˜Ŗš˜“š˜¶š˜­š˜°š˜Æš˜Ø š˜¢š˜Æš˜Ø š˜¢š˜„š˜£š˜°š˜¬š˜¢š˜“š˜Ŗš˜ŗš˜¢ š˜Æš˜Ø š˜’š˜°š˜®š˜Ŗš˜“š˜ŗš˜°š˜Æ š˜±š˜¢š˜³š˜¢ š˜“š˜¢ š˜¬š˜¢š˜±š˜¢š˜¬š˜¢š˜Æš˜¢š˜Æ š˜Æš˜Ø š˜®š˜Øš˜¢ š˜¬š˜¢š˜£š˜¢š˜£š˜¢š˜Ŗš˜©š˜¢š˜Æ [š˜Æš˜¢š˜µš˜Ŗš˜Æ] š˜“š˜¢ š˜¶š˜³š˜£š˜¢š˜Æ š˜±š˜°š˜°š˜³ š˜¤š˜°š˜®š˜®š˜¶š˜Æš˜Ŗš˜µš˜Ŗš˜¦š˜“ā€¦ š˜¢š˜“š˜¢š˜©š˜¢š˜Æ š˜±š˜° š˜Æš˜Ŗš˜Æš˜ŗš˜° š˜Æš˜¢ š˜®š˜¢š˜¬š˜Ŗš˜¬š˜Ŗš˜Ŗš˜“š˜¢ ā€¦ [š˜¬š˜¢š˜®š˜Ŗ] š˜“š˜¢ ā€¦ š˜Ŗš˜Æš˜Ŗš˜“š˜ŗš˜¢š˜µš˜Ŗš˜£š˜¢š˜Æš˜Ø š˜Ŗš˜µš˜° š˜Æš˜¢ š˜Æš˜¢š˜Øš˜­š˜¢š˜­š˜¢š˜ŗš˜°š˜Æš˜Ø š˜Ŗš˜µš˜¢š˜Øš˜¶š˜ŗš˜°š˜„ š˜¢š˜Æš˜Ø š˜±š˜¢š˜Æš˜µš˜¢š˜ŗ š˜Æš˜¢ š˜°š˜±š˜°š˜³š˜µš˜¶š˜Æš˜Ŗš˜„š˜¢š˜„ š˜¢š˜µ š˜¬š˜¢š˜³š˜¢š˜±š˜¢š˜µš˜¢š˜Æ š˜Æš˜Ø š˜­š˜¢š˜©š˜¢š˜µ š˜Æš˜Ø š˜®š˜¢š˜³š˜¢š˜­š˜Ŗš˜µš˜¢š˜Æš˜Ø š˜¬š˜°š˜®š˜¶š˜Æš˜Ŗš˜„š˜¢š˜„.ā€ pahayag ni Chairperson Sabili sa kick-off ng NWMC

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -