33.6 C
Manila
Biyernes, Mayo 16, 2025

Ano ang ambag mo sa road safety?

- Advertisement -
- Advertisement -

UNCLE, grabe naman yung aksidenteng nangyari sa airport. Ang dami na namang nadamay at nabawian ng buhay.

Oo nga, Juan. Sunod-sunod yung mga ganyang klase ng pangyayari sa daan. Talagang itong buwan ng Mayo na tinaguriang Road Safety month ay ganyan pa ang nangyayari, Tanging nagpapaalala na ang kaligtasan sa daan ay dapat bigyan ng mas priyoridad ng ating bansa.

Ayon sa Department of  Transportation, mga 1.3 million na buhay ang napapawi at 50 million injuries ang kinahihinatnan ng road crashes o disgrasya sa kalye. Labis aa kalahati ng mga namamatay sa road accidents ay mga pedestrian, cyclists at motorcyclists.

Gumagrabe na pala ang sitwasyon, Uncle. Ano bang ginagawa ng gobyerno tungkol dyan?

Naku, Juan. Marami naman tayong mga polisiya, batas at mga regulasyon tungkol sa road safety. At hindi rin naman nagkukulang ang gobyerno sa mga public awareness at education campaigns sa road safety.


Maaring kailangan na pagtibayin pa lalo ang mga batas o paigtingin pa ang mga public awareness trainings. Marami ang naapektuhan at mas magandang mas lawakan pa ang mga ginagawang pagbabago sa road safety at ang komunikasyon nito sa publiko.

Pero malalim lang talaga ang problema sa kultura ng mga Pilipino tungkol sa pagsunod sa batas o pagkakaroon ng disiplina.

Katulad lang ng katigasan ng ulo ng marami sa atin, mapa-driver man o pedestrian,  na halimbawa’y huwag ng mag-overtake o huwag tumawid sa hindi tamang tawiran, pero ginagawa pa rin.

Isa pa ang kagustuhan natin ng shortcut sa maraming bagay tulad ng pag-iwas ng pagbabayad ng insurance, hindi mabuting pag-maintain ng mga sasakyan at ang kadalasa’y pagnanais na kumita ng malaki sa pagbibiyahe kahit hindi na kaya ng katawan at isip. Ang resulta ay disgrasya at kamatayan sa kalye.

- Advertisement -

Malaking hamon ang baguhin natin ang mga mali sa ating pagiisip at pag-uugali na hindi nakakatulong sa pagpapanatili ng kaligtasan sa daan.

Pero kung magagawa natin ito, malaki din ang maitutulong nito sa pinansyal na aspeto ng ating pamumuhay.

Una, ang mga aksidente sa daan ay malaki ang epekto sa gastusing medikal ng mga taong apektado at ng buong sistema ng healthcare. Ang pagbabago sa ikakabuti ng road safety ay makakatulong sa pagbaba ng mga ganitong klaseng gastusin at ang pamahalaan ay magkakaroon ng pagkakataon na magpriyoridad ng iba pang sektor sa ekonomiya.

Pangalawa, ang mga road accidents ay nagdudulot ng maraming kawalan sa ekonomiya tulad ng property damage, productivity losses, pagbagal ng negosyo, at pagbaba ng pambansang kita o national income. Ang pagangat ng road safety sa ating bansa ay makakatulong sa paglago ng investments, trabaho at economic growth.

Pangatlo, ang mga taong may mga rekord ng mas maingat na pagmamaneho, walang aksidente o traffic violation ay mas may pagkakataong magkaroon ng mas mababang insurance premium at makakatipid sa kinalaunan.

At pang-apat, ang mga road accidents ay nakakaistorbo sa transportasyon at negosyo, na nagreresulta sa mahinang productivity at mababang efficiency. Ang maapektuhan sa dulo ay ang mga empleyado na puedeng mawalan ng trabaho lalo na kung tuloy-tuloy na bumagsak ang negosyo.

- Advertisement -

Kaya kailangan talaga ng financial literacy para makatulong sa pagbabago ng ating kultura tungkol sa road safety.

Una, kung meron tayong kaalaman tungkol sa mga pinansyal na aspeto ng ating buhay, mas magkakaroon tayo ng makabuluhang desisyon sa pagpili at pagbili ng sasakyan, pagintindi sa insurance costs at maintenance expenses.

Pangalawa, kapag may kapasidad tayong protektahan o palaguin ang ating pinansyal na pamumuhay, bibigyan natin ng priyoridad ang road safety, sisikapin nating magkaroon ng disiplina sa daan bilang motorista o commuter, iiwasan ang aksidente sa pagsunod sa batas, pipili ng sasakyang may safety features at patuloy na edukasyon sa road safety at ang pagtupad sa ating mga  responsibilidad at tungkulin.

Pangatlo, kapag tayo ay financially literate, mas conscious tayo sa mga gastusin, partilkular sa mga medikal o healthcare costs na dulot ng mga road accidents. Alam din natin na kapag tayo ay napinsala, nagkasakit o nabaldado ng pangmatagalang panahon, sira na ang ating mga pangarap at plano sa buhay kasi hindi na tayo makakapagtrabaho ng mabuti o di kaya’y magiging “unfit to work” na tayo.

At pang-apat, mas seseryosohin na natin ang pagtaguyod sa road safety sa bansa kasi alam natin ang negatibong epekto ng mga road accidents o kahit anong road risks aa ating buhay, trabaho, negosyo at pinansyal na pamumuhay.

Naniniwala ako na lahat ay may maiaambag sa katinuan sa daan at sa mas madisplinang lipunan- ang gobyerno na gumagawa ng polisiya at batas, ang pribadong sektor na tumutulong sa road safety awareness at education, ang akademiya na nagbibigay ng perspektibo sa kahalagahan ng road safety sa progreso ng isang bansa, at sa buong sambayanan, kasama na mga lokal na mga komunidad, na magbabago ng ating kultura, pagiisip at paguugali, sa pagpapanatili ng road safety sa bansa.

May ambag ka ba, Juan?

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -