29.9 C
Manila
Martes, Hulyo 8, 2025

Ortograpiyang G̓insëlug̓ën Sub̓anën, naisapinal na

- Advertisement -
- Advertisement -

ISINAGAWA noong Mayo 26–30, 2025 ang G̓insëlug̓ën Sub̓anën Orthography Convergence sa Villa Pablea Mountain Resort, Tolon, Rizal, Zamboanga Del Norte. Dinaluhan ang naturang gawain ng mga gurong nagsilbing manunulat ng kanilang ortograpiya, elders, at mga opisyal ng Department of Education (DepEd) mula sa Rehiyon IX at X.

Katuwang sa gawaing ito sina Josephine Daguman, James Daguman at Rossini Lomosco ng Translators Association of the Philippines (TAP) at mga mananaliksik ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na sina Christian Nayles at Earvin Christian Pelagio.

Sa ginanap na pagtitipon, ibinahagi ng mga manunulat mula sa Rehiyon X ang borador ng Ortograpiyang G̓insëlug̓ën Sub̓anën na kanilang binuo para kumuha ng komento mula sa mga kinatawan ng Rehiyon IX. Inedit nang sama-sama ang kanilang ortograpiya, na-validate rin ang kanilang wordlist.

Sinang-ayunan ng mga taga-Rehiyon IX ang kalakhan ng ibinahaging borador. Gayundin, napagkasunduan din na aayusin ang ispeling ng pangalan ng kanilang pangkat at wika batay sa tamang pagbigkas dito na mula sa naunang katawagan sa kanilang wika at pangkat na G̓insalug̓ën Sub̓anën patungo sa naisipinal na pangalan na G̓insëlug̓ën Sub̓anën.

Ang Pagbuo ng Ortograpiya ng mga Wika ng Pilipinas ay isang patuluyang programa ng KWF sa ilalim ng Sangay ng Lingguwistika at Aplikadong Lingguwistika (SLAL) sa pamumuno ni Lourdes Hinampas, punò ng Sangáy at Dr. Arthur Casanova, tagapangulo, KWF.

Inaasahang makatutulong ang mabubuong ortograpiya sa kanilang komunidad at magamit bilang midyum ng pagtuturo sa paaralan.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -