28.9 C
Manila
Miyerkules, Hunyo 10, 2026

Gatchalian bloc handang magbigay ng 1 buwang suweldo para sa mga biktima ng lindol sa Mindanao

- Advertisement -
- Advertisement -

NAG-POST si Senate Pro Tempore Win Gatchalian sa kanyang Facebook page tungkol sa Let the Whole Senate Stand with Mindanao. Narito Ang kanyang pahayag.

”Patuloy nating ipagdasal ang Mindanao at ipaabot sa ating mga kababayan na hindi sila nag-iisa.

“Batay sa mga ulat, hindi bababa sa 37 katao ang nasawi, 456 ang nasugatan, at apat ang patuloy na nawawala dahil sa lindol. Umabot na rin sa 77,186 indibidwal ang naapektuhan, habang hindi bababa sa 19,365 katao ang nananatili sa mga evacuation center.

“Naniniwala tayo na ang unang hakbang ng sinserong pakikiramay ay malinaw na ipaabot sa kanila na handa ang pamahalaang umalalay at tumugon sa anumang pangangailangan.

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -