28.9 C
Manila
Miyerkules, Hunyo 10, 2026

Sen Alan Peter Cayetano prayoridad ang kapakanan ng mga kawani ng Senado

- Advertisement -
- Advertisement -

BILANG pagtalima sa kahilingan ng unyon, nakipagpulong si Senate President Alan Peter Cayetano sa mga miyembro ng Sandigan ng mga Empleyadong Nagkakaisa sa Adhikain ng Demokratikong Organisasyon (S.E.N.A.D.O.) nitong Lunes, June 8, 2026.

Mga larawan mula sa website ng Senate of the Philippines

Pinag-usapan nila sa pagpupulong ang mga hinaing ng mga rank-and-file na kawani ng Senado na anila’y naiipit sa banggaan ng Senate President at ng kabilang panig. Bago ang pagpupulong, nauna nang binigyang diin ni Cayetano na prayoridad niyang protektahan ang mga kawani ng Senado mula sa panggigipit, at wala siyang balak na i-“pressure” ang mga ito na pumanig sa kaniya kundi sa katotohanan at sa institusyon.

Dumalo sa pagpupulong kanina ang mga sumusunod na officer ng S.E.N.A.D.O.: President Rosel Eugenio; Vice President Kara Hernandez; Secretary Ma. Cristina Poblete; Treasurer Jocelyn Tomarong; Sergeant-at Arms Auditor Romnick De Los Reyes; Board of Directors Diony Gallano, Gralice Galang, Pedro Samaniego, Engr. Raul Cedo, and Nueva Gacutan; Committee Officers Irene Sanchez, Alfred Esmilla; Ms. Lery Bauzon; at Samahan at Uganyan ng mga Casual at Contractual na Nagseserbisyo sa Senado (S.U.C.C.E.S.S.) President Jensen Barcelona.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -