Timpalak Sanaysay

PINOY PERYODIKO TIMPALAK SANAYSAY

Paksa: Seguridad sa Pagkain (Food Security)

INAANYAYAHAN ang lahat na lumahok sa PINOY PERYODIKO TIMPALAK SANAYSAY, timpalak sa pagsulat ng sanaysay sa Filipino at magkaroon ng pagkakataong maitampok ang sinulat na sanaysay sa Filipino online pahayagan na Pinoy Peryodiko (www.pinoyperyodiko.com) at tumanggap ng P5,000.

Mga alituntunin sa paglahok

  1. Ito ay bukas sa lahat na may edad 16 pataas.
  2. Kailangang nasusulat sa wikang Filipino ang lahok, orihinal, may pagsasaliksik, hindi pa nailathala at hindi salin mula sa ibang wika.
  3. Kailangang masinop ang pagsulat at kompyuterisado. Gamitin ang font na Arial 12 pts. Hindi bababa sa 1,200 na bilang ng salita, doble espasyo sa 8 x 11 short bond paper na may palugit na 1 pulgada sa itaas, ibaba at gilid. Kasama ng lahok, isumite ang photocopy ng inyong ID o birth certificate.
  4. Ilagay ang lahok na sanaysay sa isang short brown envelope kasama ang ID o birth certificate at ipadala sa Pinoy Peryodiko/The Manila Times, 2/F Sitio Grande Building, 409 A. Soriano Avenue, Intramuros, Manila
  5. Bukod dito, dapat na ipadala din sa email ang lahok at photo copy ng ID o birth certificate sa [email protected]
  6. Ang huling araw at oras ng pagsusumite ay sa Oktubre 31, Martes, ika-5 ng hapon.
  7. Ang nanalong sanaysay ay tatanggap ng P5,000 at malalathala sa www.pinoyperyodiko.com sa Nobyembre 2023 samantalang ang ibang mapipiling sanaysay ay ilalathala din at bibigyan ng P500 (pagkatapos itong dumaan sa patnugot o editor ng Pinoy Peryodiko)
  8. Ang pasya ng lupon ng inampalan ay pinal at hindi na mababago