30.8 C
Manila
Sabado, Oktubre 5, 2024

Sen Villanueva pinabulaanan ang mga paratang sa kanya

- Advertisement -
- Advertisement -

BINIGYAN si Sen Joel Villanueva ng pagkakataon na pabulaanan ang mga akusasyon sa kanya nitong Pebrero 12 sa plenaryo ng Senado. Narito ang kanyang pahayag sa kanyang Facebook page.

Aniya, “Tumayo po tayo ngayong Lunes sa plenaryo para sagutin ang mga walang basehang paratang sa atin ng ilang kongresista. Malinaw naman po na ang lahat ng mga ito ay ginagamit lang para yurakan ang ating pagkatao at higit sa lahat pagtakpan ang kanilang tunay na hangarin na isulong ang mabaho at pekeng People’s Initiative.

“Nagpapasalamat po tayo sa ating mga kasamahan sa Senado lalo na po kina SP Senator Migz Zubiri, Sens Pia Cayetano, JV Ejercito, Sonny Angara at Senator Ronald “Bato” Dela Rosa maging ang mga PJM Pastors and Leaders mula sa Bulacan, Cavite, Laguna at Metro Manila sa inyong suporta. Makakaasa po kayo na ang inyong Senado ay laging maninindigan para sa katotohanan, katarungan at katwiran.”

Nauna rito, pinayuhan ni House Appropriations Committee chairman at Ako Bicol Party-list Rep. Elizaldy Co si Senate Majority Leader Joel Villanueva na huwag masyadong mayabang at arogante at ipinaalala dito ang pagkakasangkot nito sa Philippine Development Assistance Fund (PDAF) Scam. Sinabi rin ni Co na huwag maliitin ang mga miyembro ng Kamara.

Lahat ng akusasyong ito ay pinabulaanan ni Sen Villanueva.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -