BINIGYAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng mainit na pagtanggap ang mga atletang lumahok sa Paris 2024 Paralympic Games, at iniabot ang halagang P1 milyon na insentibo para sa bawat indibidwal, mula sa Office of the President. Ginanap ito sa Malacañan Palace nitong Setyembre 12, 2024.
Kasama sa mga Pilipinong Paralympian na nakasama ni PBBM at nakatanggap ng insentibo at presidential citation ay si Cendy Asusano (Athletics, Javelin Throw), Agustina Bantiloc (Archery), Allain Ganapin (Taekwondo), Ernie Gawilan (Swimming), Jerrold Mangliwan (Athletics, Wheelchair Racing), at Angel Otom (Swimming).
Ipinagkaloob ng Pangulo ang presidential citation at insentibo kasama sina Executive Secretary Lucas Bersamin at Philippine Paralympic Committee President Michael Barredo.
Ang Pangulo ay sinamahan ni Unang Ginang Louise Araneta-Marcos at kanilang mga anak na sina Vincent and Simon.