Pabalita Mga mag-asawa na 50 taong nagsasama, binigyan ng P50K na insentibo ng PLGU Nueva Vizcaya Pebrero 17, 2025 0 68 Ano ang ambag mo sa road safety? Mayo 16, 2025 Ugnayan ng SWK at KWF, pinalakas at pinaigting Mayo 16, 2025 Impeachment trial ni VP Sara sa pagbubukas ng ika-20 Kongreso, inaasahan Mayo 15, 2025 Sara: Pamilya Duterte hindi titigilan hangga’t di bumabagsak Mayo 15, 2025 - Advertisement - - Advertisement - BILANG handog sa ‘Araw ng mga Puso’, nagbigay ng P50, 000 na insentibo ang pamahalaang lokal ng Nueva Vizcaya sa mga mag-asawang nagsasama ng 50 taon o higit pa sa lalawigan. Nasa 42 na mga mag-asawa mula sa bayan ng Aritao, Bambang, Bayombong, Dupax del Norte, Kasibu, Quezon, at Solano ang tumanggap ng nasabing insentibo, papuri at rekognisyon sa Ammungan Hall, sa provincial capitol compound. Ayon kay Flordeliza Granada, Provincial Social Welfare and Development Officer, ang P50,000 na insentibo ay hango sa Enduring Devotion Ordinance ng PLGU. Layunin ng ordinansa na bigyan ng kaukulang pagkilala, parangal at insentibo ang mga mag-asawang nagsasama ng 50 taon o higit pa. “Pinapahalagahan ng PLGU ang patuloy na pagsasama ng mga mag-asawa sa lalawigan bilang mahalagang pundasyon sa ikagaganda at ikauunlad ng mga pamilya na siyang kayamanan ng Nueva Vizcaya,” pahayag ni Granada. Dagdag pa nito na magiging inspirasyon ng mga kabataan ang tatag ng pagsasama ng kanilang mga magulang upang humarap sa mga hamon ng buhay. Simula noong Disyembre 2024, nasa 50 na mag-asawa na ang nabigyan ng insentibo at papuri mula sa Enduring Devotion Ordinance ng PLGU. Sa kasalukuyan, mahigit 900 na ang kasalukuyang aplikante upang makakuha ng nasabing insentibo na hatid ng nasabing ordinansa ng PLGU.(BME/PIA NVizcaya) Previous articleIwas ‘rent tangay’ tips mula sa NCRPONext articleLegarda, inanunsyo ang P10K tulong pang-edukasyon para sa mga estudyante sa Antique - Advertisement - KWF kabilang sa naghanda para sa taunang ulat sa monitoring ng FSL Law Mayo 15, 2025 Pahayag ni Sen Pia Cayetano sa kanyang pagkapanalo Mayo 14, 2025 P20/kilo bigas matatagpuan sa Kadiwa Mayo 14, 2025 - Advertisement - - Advertisement - Nasa mataas na middle income na nga ba ang Pilipinas? Mayo 15, 2025 Mga artistang nanalo, natalo ngayong halalan 2025 Mayo 15, 2025 KWF kabilang sa naghanda para sa taunang ulat sa monitoring ng FSL Law Mayo 15, 2025 Botohan, eleksyon, halalan: Ulat 2025 Mayo 14, 2025 Pahayag ni Sen Pia Cayetano sa kanyang pagkapanalo Mayo 14, 2025