Pabalita Mga mag-asawa na 50 taong nagsasama, binigyan ng P50K na insentibo ng PLGU Nueva Vizcaya Pebrero 17, 2025 0 336 Pangulong Marcos, nanawagan ng pagkakaisa at pagmamahal sa bayan sa pagdiriwang ng ika-128 Araw ng Kalayaan Hunyo 13, 2026 Kalayaan para sa bawat henerasyon: Panawagan ni Legarda na isabuhay ang kalayaan sa pamamagitan ng mga institusyon, pamana, at kalikasan Hunyo 13, 2026 Bam Aquino bumisita sa MSU-GenSan campus, nangakong hahanapan ng pondo ang kailangang repair Hunyo 13, 2026 Isinusulong ni Gatchalian: Mas aktibong pakikilahok ng pribadong sektor sa pagtulong sa mga pampublikong paaralan Hunyo 13, 2026 - Advertisement - - Advertisement - BILANG handog sa ‘Araw ng mga Puso’, nagbigay ng P50, 000 na insentibo ang pamahalaang lokal ng Nueva Vizcaya sa mga mag-asawang nagsasama ng 50 taon o higit pa sa lalawigan. Nasa 42 na mga mag-asawa mula sa bayan ng Aritao, Bambang, Bayombong, Dupax del Norte, Kasibu, Quezon, at Solano ang tumanggap ng nasabing insentibo, papuri at rekognisyon sa Ammungan Hall, sa provincial capitol compound. Ayon kay Flordeliza Granada, Provincial Social Welfare and Development Officer, ang P50,000 na insentibo ay hango sa Enduring Devotion Ordinance ng PLGU. Layunin ng ordinansa na bigyan ng kaukulang pagkilala, parangal at insentibo ang mga mag-asawang nagsasama ng 50 taon o higit pa. “Pinapahalagahan ng PLGU ang patuloy na pagsasama ng mga mag-asawa sa lalawigan bilang mahalagang pundasyon sa ikagaganda at ikauunlad ng mga pamilya na siyang kayamanan ng Nueva Vizcaya,” pahayag ni Granada. Dagdag pa nito na magiging inspirasyon ng mga kabataan ang tatag ng pagsasama ng kanilang mga magulang upang humarap sa mga hamon ng buhay. Simula noong Disyembre 2024, nasa 50 na mag-asawa na ang nabigyan ng insentibo at papuri mula sa Enduring Devotion Ordinance ng PLGU. Sa kasalukuyan, mahigit 900 na ang kasalukuyang aplikante upang makakuha ng nasabing insentibo na hatid ng nasabing ordinansa ng PLGU.(BME/PIA NVizcaya) Previous articleIwas ‘rent tangay’ tips mula sa NCRPONext articleLegarda, inanunsyo ang P10K tulong pang-edukasyon para sa mga estudyante sa Antique - Advertisement - Bam Aquino bumisita sa MSU-GenSan campus, nangakong hahanapan ng pondo ang kailangang repair Hunyo 13, 2026 Gatchalian hiinimok ang gobyerno: Gamitin ang P180B pondo para sa pagtugon, rehabilitasyon sa Mindanao Hunyo 12, 2026 Sen Imee, nanawagan ng bayanihan para sa Mindanao Hunyo 12, 2026 - Advertisement - - Advertisement - Hindi korum kundi ano ang hinatulan ng Korte Suprema? Hunyo 12, 2026 VP Sara nakiisa sa mga biktima ng 7.8 magnitude na lindol sa Mindanao Hunyo 12, 2026 May kalayaan ba sa pag-aasawa? Hunyo 12, 2026 Gatchalian hiinimok ang gobyerno: Gamitin ang P180B pondo para sa pagtugon, rehabilitasyon sa Mindanao Hunyo 12, 2026 Sen Imee, nanawagan ng bayanihan para sa Mindanao Hunyo 12, 2026