29 C
Manila
Biyernes, Hunyo 12, 2026

Sen Imee, nanawagan ng bayanihan para sa Mindanao

- Advertisement -
- Advertisement -

HINIKAYAT ni Senador Imee Marcos ang lahat na mag-bayanihan at sumaklolo sa mga kababayan natin sa Mindanao na yinanig ng 7.8 magnitude lindol noong Lunes, Hunyo 8.

Mahigit anim na raan ang sugatan at halos singkwenta ang naitalang nasawi sa nasabing sakuna.

“Kung ano ang abot-kayang maitutulong, miski tinapay at lumang mga damit at gamit, malaking bagay na,” pag-udyok ng senador.

Mabilis namang nagpadala ng paunang lunas si Marcos para sa mga apektadong residente ng Lungsod ng General Santos.

Parte ng sariling pagsisikap ng senador para makatulong sa #IMEEndanao, nagtungo ang kaniyang tanggapan noong Miyerkules, Hunyo 10, sa Brgy. City Heights sa P.I. Village, pati na rin sa General Santos Central Command, kung saan namahagi ng 3,500 piraso g Nutribuns at 3,000 pirasong bote ng tubig para sa mga pamilyang naapektuhan ng pagyanig.

“Sa gitna ng sakuna, pinakaimportante ang mabilis na aksyon—pagkain at tubig ang unang kailangan ng bawat pamilya,” pahayag ni Marcos.

Bukod sa handog na tinapay at tubig, magpapadala rin ng mga yero o GI sheet ang senador para sa mga apektadong pamilya sa lalawigan.

“Hindi nating pwedeng pag-antayin ang mga kababayang nangangailangan ng tulong. Gawin na dapat lahat ng makakaya para makaahon sila,” dagdag pa niya.

Nanawagan din si Marcos na isantabi muna ang pamumulitika at personal na interes ng iilan para tumugon sa mga nasalantang kababayan sa Mindanao at masolusyonan ang mga problema ng bansa.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -