29 C
Manila
Huwebes, Hunyo 11, 2026

Korte Suprema isinantabi ang hiling na ideklarang valid quorum ang sesyon ng Senado noong Hunyo 3 

- Advertisement -
- Advertisement -

SA sesyon nito kahapon, ika-10 ng Hunyo 2026, inaksyunan ng #KorteSuprema ang G.R. No. E-06540, 𝘑𝘰𝘩𝘯 𝘉𝘢𝘳𝘳𝘺 𝘛. 𝘛𝘢𝘺𝘢𝘮 𝘷. 𝘚𝘦𝘯. 𝘈𝘭𝘢𝘯 𝘗𝘦𝘵𝘦𝘳 𝘚. 𝘊𝘢𝘺𝘦𝘵𝘢𝘯𝘰, 𝘚𝘦𝘯. 𝘗𝘪𝘭𝘢𝘳 𝘑𝘶𝘭𝘪𝘢𝘯𝘢 “𝘗𝘪𝘢” 𝘚. 𝘊𝘢𝘺𝘦𝘵𝘢𝘯𝘰 𝘢𝘯𝘥 𝘚𝘦𝘯. 𝘓𝘰𝘳𝘯𝘢 𝘙𝘦𝘨𝘪𝘯𝘢 “𝘓𝘰𝘳𝘦𝘯” 𝘉. 𝘓𝘦𝘨𝘢𝘳𝘥𝘢, at isinantabi ang petisyong inihain ni John Barry Tayam dahil sa 𝘭𝘢𝘤𝘬 𝘰𝘧 𝘭𝘦𝘨𝘢𝘭 𝘴𝘵𝘢𝘯𝘥𝘪𝘯𝘨 o kawalan ng karapatang magdemanda.

Nagpasya ang Korte Suprema na nabigo si Tayam na patunayang siya ay nagtamo o nasa napipintong panganib na magtamo ng anumang direktang pinsala mula sa mga aksyong kanyang kinuwestiyon.

Hiniling ni Tayam na ideklarang isang 𝘷𝘢𝘭𝘪𝘥 𝘲𝘶𝘰𝘳𝘶𝘮 ang presensya ng 12 senador sa sesyon ng 20th Congress noong Hunyo 3, 2026.

Basahin ang 𝘱𝘳𝘦𝘴𝘴 𝘣𝘳𝘪𝘦𝘧𝘦𝘳 sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=167324.

Maaaring i-𝘥𝘰𝘸𝘯𝘭𝘰𝘢𝘥 ang kopya ng mga available na 𝘱𝘭𝘦𝘢𝘥𝘪𝘯𝘨𝘴 mula sa seksyong 𝘊𝘶𝘳𝘳𝘦𝘯𝘵 𝘊𝘢𝘴𝘦𝘴 ng 𝘸𝘦𝘣𝘴𝘪𝘵𝘦 ng Korte Suprema. Mula sa Facebook page ng Supreme Court PH

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -