8INISITA ni Vice President Sara ang Malapatan, Sarangani, isa sa mga nasalanta ng 7.8 magnitude na lindol sa Mindanao. Narito ang kanyang pahayag ng pakikiramay.

“Taos-puso tayong nakikiramay sa mga nasawi kasunod ng malakas na lindol na yumanig sa Mindanao kamakailan, kabilang na ang isang mag-asawa mula sa Barangay Tuyan sa Bayan ng Malapatan, Sarangani.
“Kahapon ay tumungo tayo sa nasabing barangay upang mag-alay ng panalangin at personal na makausap at makiramay sa naulilang pamilya.
“Pahimangno nato sa tanan nga ang pinakaangay nga buhaton mao ang kanunay nga mag-igmat ug mangandam, hilabi na nga wala kita masayod kung kanus-a muigo ang trahedya sama sa linog.”



