29 C
Manila
Sabado, Hunyo 13, 2026

Bam Aquino bumisita sa MSU-GenSan campus, nangakong hahanapan ng pondo ang kailangang repair

- Advertisement -
- Advertisement -

BUMISITA si Senador Bam Aquino noong Biyernes sa kampus ng Mindanao State University–General Santos (MSU-GenSan) upang suriin ang pinsalang dulot ng magnitude 7.8 na lindol sa ilan sa mga gusali nito.

Matapos ang kanyang pulong kay MSU-GenSan Chancellor Shidik Zed Abantas at iba pang mga opisyal, nangako si Aquino na hahanapan ng pondo para sa agarang pagkukumpuni at rehabilitasyon na na kailangan upang muling makabangon ang unibersidad.

Nauna nang humingi ng tulong si Chancellor Abantas sa national government matapos sabihin na umabot sa P900 milyon ang pinsala sa imprastraktura ng unibersidad.

Bukod sa pagtingin sa iba pang posibleng mapagkukunan ng pondo, sinabi ni Aquino na hindi pa rin nailalabas ng Commission on Higher Education (CHED) ang mga pondong dati nang naaprubahan para sa MSU, na maaaring magsilbing agarang suporta sa mga pagsisikap ng unibersidad na makabangon.

“Napag-usapan na rin namin ni Chancellor na meron pa ring utang ang CHED dito sa MSU at dapat naka-pondo na iyo. Dapat bayaran na iyon,” ani Aquino, chairperson ng Senate Committee on Basic Education.

“Mamadaliin namin na mabayaran iyon para magamit kaagad ng MSU sa pagsasaayos ng kanilang mga gusali at pasilidad,” dagdag niya.

Kasabay nito, binigyang-diin ni Aquino ang pangangailangan ng mabilis at maagap na ayuda mula sa pamahalaan matapos niyang bisitahin ang mga lugar na naapektuhan ng lindol.

“Mahalaga na dumating agad ang tulong. Ang hinahanap ng ating mga kababayan dito ay iyong agarang at mabilisang aksiyon,” diin niya.

Idinagdag ni Aquino na nakikipag-ugnayan na siya sa mga kaukulang ahensiya ng pamahalaan upang mapabilis ang pagdating ng tulong at matiyak na agad na matutugunan ang pangangailangan ng mga apektadong residente.

Nagpamigay rin ang Senador ng relief goods at iba pang ayuda sa iba’t ibang lokal na pamahalaan at non-government organizations, kabilang ang Angat Buhay Foundation, para sa mga naapektuhan ng pagyanig.

Kasunod ng lindol, agad na nagpaabot ng tulong ang Office of Senator Bam Aquino, kabilang ang pagkain at inuming tubig, sa mga apektadong komunidad sa General Santos City at iba’t ibang bahagi ng Mindanao. Nakikipag-ugnayan din sila sa ibang NGOs sa lugar para sa relief assistance.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -