27.1 C
Manila
Miyerkules, Abril 30, 2025

Ano ang ‘The Big One’ at saan ito posibleng maganap?

- Advertisement -
- Advertisement -

MATAPOS ang malalakas na paglindol sa Myanmar at Thailand kamakailan, muling nabuksan ang usapin tungkol sa “The Big One” na posibleng mangyari sa Pilipinas.

Iniligtas ng disaster response unit ang mga ‘biktima’ sa 2nd Quarter Nationawide Simultaneous Earthquake Drill sa Red Training Center ng Pasig City Disaster Risk Reduction and Management Office sa Hunyo 28, 2024. Larawan mula sa file ng The Manila Times

Sa radio program ng Department of Science and Tecnology na ‘Ako at Geo,’ ipinaliwanag ni Supervising Science Research Specialist Jeffrey Perez na tumutukoy ang binansagang ‘The Big One’ ng media sa napakalakas na lindol na posibleng maganap sa Metro Manila.

Nilinaw niyang hindi ito isang siyentipikong terminolohiya sapagkat ang totoo, maaaring mangyari ang malakas na lindol sa lahat ng rehiyon at lalawigan, maliban sa Palawan.

“Except for that one province, meron silang sources  ng earthquake, at itong sources of earthquake nito may generate a different earthquake scenarios at yung pinakamalakas na earthquake scenario, yun yung  posibleng ‘The Big One’ sa lugar nila,” paliwanang ni Perez.

Dagdag pa niya: “Posibleng may ‘The Big One’ sa Metro Manila, yan yung paggalaw ng West Valley Fault or paggalaw ng Manila Trench na nasa West Philippine Sea. Posibleng may ‘the big one’ sa Davao City dahil nandyan ang Davao  fault system. Posible ding may ‘the big one’ sa Ilocos region, gaya ng July 27, 2022, isa siyang magnitude seven earthquake pero may mga faults pa dun na di gumagalaw, may tinatawag na West Ilocos fault system. Merong tayong mga kababayan na nakikinig sa may Basey sa Eastern Samar, actually ang ‘the big one’ nila dun ay di lang ‘the big one’ kundi bigger one, kasi posibleng magkaroon ng isang magnitude eight na lindol dahil sa paggalaw ng Philippine trench. Maraming one, kaya tinawag natin siyang big ones.”

Sa naunang panayam kay Perez, sinabi nito na ang mga aktibong fault sa bansa ay Philippine Fault, Valley Fault System, Aglubang River Fault, Central Mindoro Fault, Casiguran Fault, East Zambales Fault, West Panay Fault, North Bohol Fault, East Bohol Fault, Tablas Fault, Mindanao Fault, Central Mindanao Fault, Cotabato-Sindangan Fault, Davao Fault System, and Cotabato Fault System.

Umaabot ang pinakamabang fault sa bansa mahigit 1,300 kilometers (km) ang haba na nagmumula sa Ilocos Norte, tumatagos sa gitnang bahagi ng bansa at nagtatapos sa Mati, Davao Oriental.

West Valley Fault

West Valley Fault ang inaasahang pagmumulan ng “The Big One” ng Metro Manila dahil sa mga fault system sa ilalim ng lupang may mahigit 100 kilometro ang haba.

Binubuo ito ng dalawang fault segments — ang  10 kilometrong East Valley Fault sa lalawigan ng Rizal at ang 100 kilometrong West Valley Fault na bumabagtas sa mga lungsod at bayan sa Bulacan, Rizal, Metro Manila, Cavite, at Laguna.

Aabot sa 7.2 magnitude ang lindol na kaya nitong gawin na kasing-lakas ng naganap sa Myanmar Thailand at Tonga. Kaya nitong magpaguho ng mga gusali at sumira ng mga imprastraktura at kabuhayan, at higit sa lahat, isa itong malaking banta sa buhay ng mga taong naninirahan sa mga lugar na maapektuhan ng lindol na nasa fault line na ito.

Sa isang ulat, sinabi ni  Phivolcs Senior Science Research Specialist Bhenz Rodriguez na lumindol malapit sa West Valley Fault na may 1.5 magnitude na naganap sa Dona Remedios Trinidad sa Bulacan.

Bagama’t malapit ito sa West Vally Fault, hindi umano konektado ang naganap na lindol na ito sa naturang fault line.

Naitala ang pinakahuling malakas na lindo mula sa West Valley Fault noon pang 1658, at inaasahan ng mga eksperto na muli itong mangyayari pagkaraan ng 200 hanggang 400 taon.

Hindi rin umano konektado ang naganap na lindo sa Myanmar at Tonga sa Pilipinas.

Magkagayunman, aniya, nasa Pacific Ring of Fire ang Pilipinas kung kaya’t hindi maiiwasan ang magkalindol.

Base sa Phivolcs Latest Earthquake Information, araw-araw nagkakaroon ng lindol sa Pilipinas. Nagkaroon ng mahihinang pagyanig sa Luzon, Visayas at Mindanao nitong mga nakalipas na araw na nasa 1.4 hanggang 4.5 magnitude ang lakas.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -